^

PSN Showbiz

Pagdami ng COVID cases, nakakatakot na

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Scary talaga iyon patuloy na pagtaas ng bilang ng nagkakaroon ng COVID-19. Hindi bumababa, tumataas pa araw-araw.

Totoo nga ang sinasabi na ito ang pinaka-seryosong virus dahil ang dali niyang kumapit o madali siyang makahawa.

Naku, instead na positive, everyday nagiging negative pang lalo ang balita. Please naman, sana mahanap na ang gamot para rito, sana matigil na si coronavirus sa pamamasyal. Huwag nang lumibot kung saan-saan. Stay na lang sa isang lugar para hindi dumami ang maging biktima niya.

Albee papasok sa tv5

Balitang papasok sa Chanel 5 si former Cong. Albee Benitez bilang block timer, Salve.

Mukhang pagkatapos ng malalaking pelikulang Magic Land at Kid Alpha gusto na niyang magtuluy-tuloy ang pagpasok sa showbiz.

Sabagay, masarap maging producer ang isang tulad ni Papa Albee na mabait at alam ang dapat gawin para maging comfortable ang artists at staff, at alam ang dapat gawin para maging international calibre ang mga ipalalabas ng kanyang kum­panya.

Very imaginative pagdating sa istor­ya kaya nakakatiyak na maganda ang resulta ng kanyang mga ipo-produce na serye at pelikula.

Bongga Salve, sa gitna ng pandemic pasok si Papa Albee sa mga bagong producer, happy days for showbiz ha.

Cris, Aileen at Pinky hindi maingay sa pagtulong

Very special talaga ang July, Salve. Birthday ng three wonderful friends natin, sila Cris Roque ng Kamiseta, Aileen Go ng MegaSoft at si chemist Pinky Tobiano.

Ang tatlong kind ladies na ito ay laging may puso sa mga nangangailangan, lagi silang nakikipag-partner sa charitable groups na tumutulong sa mga may kailangan ng tulong.

Iyong Home for the Aged, street kids, frontliners, maliliit na negos­yo para patuloy na sumipa ang ekonomiya.

Sila ang tunay na tumutulong nang hindi ibinabalita ang mga ginagawa.

Their kind hearts make them double beautiful. Happy Birthday Pinky, Aileen and Cris, we love you and prayers for the continuous success of Kamiseta, MegaSoft and sa mga business ni Pinky. Love you.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with