^

Pang Movies

Ormoc nalusutan ng positive Mayor Goma may katuwiran!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kung sinasabi man nila na “nataranta” si Mayor Richard Gomez nang sabihan siya, sa pamamagitan ng text message lamang, na tanggapin ang mga magbabalik na OFW sa kanila sa Ormoc, kahit na kulang sa ipinatutupad na protocols sa COVID-19, ngayon lumalabas na may katuwiran pala siya.

May isang OFW na sinasabing sumailalim na sa COVID-19 testing at nag-quarantine na sa National Capital Region na ipinadala nila sa Ormoc, at nang dumating doon lumabas na positive pala sa COVID-19. Hindi naman kasi maliwanag, at wala talagang standards ang testing na iyan.

Kaya tingnan ninyo, iyong dalawang buwang pagsisikap ng Ormoc na isa sa unang nag-lockdown, at napanatiling COVID-free ang kanilang lungsod, ngayon napasukan na ng isa.

Papaano kung may iba pang nakalusot. Problema na ngayon iyan ni Mayor Goma, aba eh kahit na sino matataranta na nga.

Ang hinihingi lang naman kasi ni Goma noon pa man, sundin ang tamang protocol. Pero hindi nasunod dahil wala raw silang karapatang gumawa ng regulasyon maliban sa sinasabi ng Inter-Agency Task Force, kaya ayan, hindi na COVID-free ang Ormoc, at naroroon ang posibilidad na mangyari rin iyan sa iba pang mga lugar na COVID-free, kung basta na lang ipadadala sa kanila ang mga naka-quarantine nang hindi susunod sa tamang protocol.

Kawawa naman ang mga LGU kung ganyan.

Kaya laglag serye ng LizQuen, kinapos sa advertising support?!

Ngayon maliwanag na, hindi na babalik ang serye ng LizQuen sa pagbabalik ng ABS-CBN sa kanilang cable at digital channels, o maski magbalik pa sila “on the air.” Mataas naman ang ratings ng Liz-Quen series, na ibig sabihin may fans ding nanonood sa kanila, pero medyo mababa ang advertising support na kanilang nakukuha. Ibig sabihin tagilid ang kita.

May nagsasabing apektado ang LizQuen, at ang isa sa mga dahilan noon ay dahil sa mahabang bakasyon ni Liza dahil sa kanyang injured finger. Matagal siyang hindi nakapag-trabaho, naiwan nga niya ang proyektong Darna na hanggang ngayon naman ay hindi pa naman natutuloy. Pero nangyayari talaga iyon, basta hindi visible ang isang artista, bumababa ang popularidad.

vuukle comment

RICHARD GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with