^

Bansa

865K workers sa audiovisual industry nawalan ng trabaho

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinatayang 865,000 na mga manggagawa mula sa audiovisual industry ang naapektuhan sa trabaho dulot ng COVID-19.

Ito ang nabunyag sa isinagawang pagdinig ng Senate committee on finance and economic affairs ni Sen. Sonny Angara kaugnay sa epekto sa trabaho dahil sa pandemic.

Ayon kay Liza Diño, chairperson ng Film Development Council, 70 porsiyento ng mga workers sa industry ay freelancers na walang trabaho sa kasalukuyan.

Ang FCDP ay nag-allot na rin ng P20 milyong pondo nito para mabigyan ng P5,000 hanggang P8,000 emergency subsidies ang mga apektadong manggagawa sa industriya.

“Ang laki po ang audiovisual industry and ‘yun nga po dahil hindi kami nahahagip ng census studies ng PSA statistics, minsan po ay nakakalimutan yung aming pinagdadaanan at kalagayan ng mga nasa industriyang ito,” pahayag pa ni Dino.

Kabilang sa audiovisual industry ay mga manggagawa sa film, animation, TV, commercials, live events, at manufacturing of audiovisual equipment.

Idinagdag pa ni Diño na kinakailangang magkaroon ng safety nets ang pamahalaan bunsod ng patuloy na health crisis na nararanasan ng bansa sa kasalukuyan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with