^

Bansa

JV: Nanalo sana ako kung 'di tumakbo si Jinggoy

Philstar.com
JV: Nanalo sana ako kung 'di tumakbo si Jinggoy
Sa panayam ng ANC, ibinahagi ni Ejercito na ang sabay-sabay nilang pagtakbo sa posisyon ang naging dahilan kung bakit nabuwag ang kanilang dinastiya.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Nagpapatuloy ang iringan sa pagitan ng nina Sen. JV Ejercito at dating Sen. Jinggoy Estrada, matapos sabihin ng ika-13 sa senate race na nanalo sana siya kung hindi tumakbo sa parehong posisyon ang kapatid.

Sa panayam ng ANC, ibinahagi ni Ejercito na ang sabay-sabay nilang pagtakbo sa posisyon ang naging dahilan kung bakit nabuwag ang kanilang dinastiya.

"[W]e were just fighting too many battles, too many enemies. We spread our resources too thin, our machinery our focus," wika ni JV.

(Marami kaming pinasukang laban, sobra-sobra ang mga kaaway. Ikinalat namin nang husto ang pera't makinarya namin.)

Aniya, umalis daw siya sa partidong Pwersa ng Masang Pilipino, na partido rin ni Jinggoy, dahil alam na niyang matatalo sila kung sabay-sabay na tumakbo.

"I was not in favor of us running simultaneously. In fact, I left the party because I was not in agreement for both of us runnning at the same time because I knew that this was happen," dagdag ng senador.

(Hindi ako pabor na sabay kaming tumabo. Sa totoo lang, umalis ako ng partido namin dahil 'di ako sang-ayon na tumakbo kami ng sabay dahil alam kong mangyayari ito.)

Hindi nakapasok sa "magic 12" ng 2019 midterm elections si JV matapos kulangin ng 200,000 na boto.

Magkapatid sa ama sina JV at Jinggoy sa ama na si Manila Mayor Joseph Ejercito Estrada, na natalo rin sa kanyang reelection.

Anak ni outgoing San Juan City Mayor Guia Gomez si JV habang anak ni dating Sen. Luisa "Loi" Pimentel si Jinggoy.

Pagsuporta kay Zamora?

Noong tanggapin ni Jinggoy ang kanyang pagkatalo, matatandaang piniling batiin ni Jinggoy si Sen. Nancy Binay kaysa kay JV nang makuha niya ang ika-12 pwesto.

Inamin din niyang may galit siya sa kapatid dahil sinuportahan daw ni JV ang kandidatura ni Francis Zamora, na tumatakbo noon sa pagka-alkalde ng San Juan, laban kay Janella Estrada.

Si Janella ay isa sa apat na anak ni Jinggoy, na pumasok na rin sa mundo ng pulitika.

Pinasinungalingan naman ito ni JV at sinabing nakatuon ang pansin nila sa sariling kandidatura dahil tagilid noon sa eleksyon.

"So instead of us being able to focus and help Janella, my mother and I were concerned about my candidacy," dagdag niya.

(Kaya imbis na makapag-focus kami at matulungan si Janella, iniisip namin ng nanay ko ang kandidatura ko.)

"Had he not run... I would have secured my reelection bid, and I would have more time to help in San Juan," dagdag ng senador.

(Kung hindi siya tumakbo... nanalo sana ako sa muling pagtakbo ko, at sana'y mas nakatulong pa ako sa San Juan.) — James Relativo

vuukle comment

2019 MIDTERM ELECTIONS

JINGGOY ESTRADA

JV EJERCITO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with