^

Kutob

Marso 23, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

ARIES (Mar. 21- Abr. 19) – Maaaring hindi maganda ang pagdalaw sa kaibigan, kapitbahay o kamag-anak. Ipagpaliban ang binabalak gawin o ang planong pamamasyal. Kung may suliranin sa pera, may paraan sa tulong ng iba dahil madali silang malapitan ngayon. Lucky numbers at color for the day ay 10, 23, 36, 40 at squash.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) – Ipagpaliban ang balak gawin. Hindi makukuha ang gustong mangyari ngayon. Huwag tanggapin ang ano mang alok mula sa kaibigan o kasamahan. Malamang magkakaroon ng kaunting tampuhan sa tahanan o sa kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 11, 22 at ocean blue.

GEMINI (May 21- Hun. 21) – Hindi matatakpan ng karangyaan ang pagkukulang sa aruga at kalinga sa tahanan, lalo na sa mga anak. Mahalagang magkaunawaan at magkasundo ang mga tao sa tahanan. Madaling mabagabag ang kalooban. Walang magiging balakid sa gustong mangyari. Lucky numbers at color for the day ay 10, 27, 35, 42 at magenta.

CANCER (Hun. 2 - Hul. 22) – Mag-ingat sa pagpili ng kaibigan. Ang pakikisalamuha at pakikipag-ugnayan sa mga taong propesyonal ay makakatulong sa kasalukuyang hanapbuhay. Ang matinding hinanakit ng kalooban ay maaaring magdulot ng kapahamakan kung hindi magtitimpi. Ang hindi pagkakaunawaan sa nakaraan ay malulunasan kung hahangarin. Lucky numbers at color for the day ay 4, 9, 28, 43 at violet.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) – Maganda ang panahon kung iiwasan ang makipagtalo o lumikha ng gulo. Sa paligid, huwag makialam maliban sa sarili dahil madali kang masangkot sa gulo. May tawag na magbibigay kasiyahan o kagalakan. Lucky numbers at color for the day ay 2, 5, 32, 39 at light blue.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) – Makakatulong ang opinyon ng ilang matatandang kasamahan sa tahanan o pinapasukan. Ang nakakataas sa trabaho ay madaling mabibigyan ng kasiyahan. Ang simula ng kaguluhan sa relasyon ay galing sa isang tsismosang kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 23, 30, 43 at ivory white.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) – Posible ang hindi inaasahan na magandang pangyayari. Iwasan ang makasakit ng damdamin at tigilan ang walang kabuluhang pagbibiro. Maaaring katangi-tangi at pakikinabangan ang tulong ng kaibigan. May dulot na maligayang karanasan ang sosyal na pakikisalamuha. Lucky numbers at color for the day ay 3, 9, 35, 42 at purple.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) – Ang magneto ng karisma ay malakas. Maaaring mula sa koreo o makabagong teknolohiya makakatanggap ng balita mula sa ibayong dagat. Kung may naiisip gawin, huwag ipagpabukas at simulan kaagad para maging positibo ang mangyayari. Ang kutob ay magkakatotoo. Lucky numbers at color for the day ay 12, 25, 37, 41 at honey yellow.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) – Magpahinga at kalamayin ang sarili kung makakasagupa ng suliranin para makapag-isip ng magandang solusyon.  Maisasaayos ang suliranin tungkol sa salapi o pinansyal. Makakapagdulot ng sagabal ang maliit na bagay na hindi napagtuunan ng pansin o hindi mahahanapan ng solusyon. Lucky numbers at color for the day ay 13, 18, 21, 28 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) – Isang surpresa ang naghihintay sa tahanan o pinapasukan. Magiging maligaya at makulay ang romansa. Ang makipag-date ay inaayunan ng panahon. Huwag pansinin ang biro o kantiyaw ng kaibigan o kasamahan para maiwasan ang gulo o may makasamaan ng loob. Lucky numbers at color for the day ay 4, 8, 10, 30 at strawberry red.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) – Bukas ang pagkakataon para baguhin ang masamang ugali. Sa pagkakamali magmumula ang pagtutuwid at ilagay sa tama ang nagawa. Makakasagupa ng taong masama ang ugali kung itinuturin subalit huwag magtaka dahil salamin lamang ito ng sarili. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 10, 30 at tangerine.

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) – Magagamit ang katalinuhan para mapagtagumpayan ang gawain o proyekto. Ang pagsasamang magkaibigan ay malamang mauwi sa pag-iibigan. Maging maagap sa mga pangyayari. Lucky numbers at color for the day ay 17, 22, 28, 31 at white.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with