^

PSN Showbiz

Alden for life na endorser ng mani!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Alden for life  na endorser ng mani!

Mabuti na lamang at nauna na ang mag-asawang Cookie at Joy Yatco na makuhang endorser para sa kanilang sumisikat na Cookie’s Peanut Butter ang Kapuso actor na si Alden Richards.

Hindi negatibong aspeto ang madadala ni Alden sa kanilang produkto kundi ang laki ng puso nito na magpatawad. Hindi naman maipagkakaila kung saang network kabilang ang aktor dahil kasama niyang dumating sa launching ang ilan sa executives ng GMA sa pangunguna ng head ng corporate communications na si Ms. Angel Javier. Tama lamang na samahan nila ang priced talent para maiiwas ito at maproteksyunan sa mga hindi magagandang pangyayari tulad ng naganap sa pagitan nila ni Juancho Trivino.

Timing naman ang pag-oo ni Alden sa alok ng mag-asawang Yatco na ka-probinsya niya sa Laguna na tulungan sila para mas makilala pa sa market ang Cookie’s Peanut Butter.

Habambuhay ang napagkasunduan ng dalawang kampo para iendorso ni Alden ang Cookie’s Peanut Butter na mabibili rin sa sachet, at iba pang produkto na ginagawa ng Yatco couple, tulad ng Mani ni Cookie at Casuy ni Cookie.

Janine at Jasmine sure na kay Alden?!

Tuloy na pala si Janine Gutierrez sa pagiging isa sa mga leading ladies ni Alden Richards sa gagawing bagong serye ng GMA na Mitho. Ang isa pang leading lady ay si Jasmine Curtis Smith.

Mukhang hindi ang role ng dalawa sa serye ang magpapahirap sa kanilang trabaho, kung hindi ang fans ng AlDub na hanggang ngayon ay hindi pa rin maka-move on sa pagso-solo ng karera ng phenomenal loveteam.

May bago nang plano ang GMA para kay Alden, and sooner or later magkakaroon na rin ang kumpan­ya ni Tony Tuviera para naman kay Maine Mendoza. Dapat matanggap na ito ng fans nila at huwag nang guluhin o i-bash ang makakatrabaho ng dalawa. Move on na lang, move on na.

Hindi katulad ng iba...

Muli, ang pasasalamat ko at ng maraming showbiz media practioner kay Chuck Gomez sa pangungumbida sa launch ni Alden Richards bilang endorser ng Cookie’s Peanut Butter. Isang mahalagang bahagi si Chuck sa tagumpay ng kumpanya ng mga Valenciano (Gary V and Angeli) at ng ta­lents nito at maging ng Puregold.

Nagagawang makapangumbida nito ng most number of media people na makatutulong sa pagpapalaganap ng kumpanya, produkto at talento na kanyang ipino-promote.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with