^

PSN Showbiz

Barbie tagilid pa rin sa movie ni Kris

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Barbie tagilid pa rin  sa movie ni Kris

Barbie at Derick

PIK: Punum-puno ng energy si Barbie Forteza sa presscon ng pelikula nila ni Derrick Monasterio na Almost A Love Story ng BG Films International.

Doon namin siya nahingan ng reaksyon tungkol sa magandang movie project na pagsasamahan sana nila ni Kris Aquino. Ang narinig kasi naming tsika ay papalitan na raw ito ng isang Kapamilya young actress, eh siya pa naman daw sana ang gustong makasama ni Kris. “Parang hindi siya naudlot. Alam ko tuloy po ‘yun,” mabilis na sagot ni Barbie.

Kaya sinundan namin ng tanong kung gaano siya ka-excited na makasama ang madalas niyang ginagaya sa Sunday PinaSaya. “Very much!”

Sobrang suportado pa ng buong community ng Salento, Italy ang pelikulang ito dahil ipinakita  sa kabuuan ng pelikula ang ganda ng naturang lugar. Kaya pagkatapos daw ng commercial showing dito sa atin, naka-schedule na ang public screening ng naturang pelikula sa Salento, Italy.

PAK: As of now, ninanamnam pa rin yata ni Tito Joey de Leon ang kasal nila ni Tita Eileen Macapagal-de Leon kaya  hindi pa niya nasasagot ang mga tawag at text namin.

Gustung-gusto na namin siyang ma-interview tungkol sa wedding, dahil bukod sa Supreme Court ay meron pa pala silang church wedding.

Meron kasing ipinost si Tita Eileen sa kanyang Instagram account na tila iba ang sa civil wedding nila sa Supreme Court.

Sabi niya sa caption ng post kung saan na­kabelo siya, may cord na nakasabit sa kanila, at nakaluhod. “Our story is one great love story by the Lord, of perseverance and prayer. The wait was long, but He answers all our prayers…In His perfect time!”

Sobrang saya nga raw ng bagong kasal, lalo na sa reception na ginanap sa Manila Hotel noong nakaraang Lunes ng gabi. Sabi nga ni Ryan A­goncillo na isa sa dumalo sa natu­rang kasalan, “Ang sarap namnamin ang kuwento nila. Tunay na #relationshipgoals.”

Kaya nagsayawan lang daw sila sa reception sa tugtog ng mga awitin ng Beatles, at nagpa-games pa raw sa couples na dumalo.

BOOM: Baka sa Dakak daw mag-Holy Week si Alden Richards kasama ang kanyang pamilya. Pagkatapos nito ay aalis siya patungong Amerika para sa US concert tour at meron pa raw sa Canada. Pagbalik niya ay pag-uusapan na nila sa GMA 7 kung ano ang soap opera na kanyang gagawin.

“Hinihintay ko lang po kung ano po ‘yung mga final latag kasi first quarter pa lang po ng taon. Hintayin ko po from GMA kung ano po ‘yung final word with regards po sa soap opera.

“Nami-miss ko na po umarte eh,” pahayag ng Pambansang Bae sa press launch ng dagdag na endorsement niyang Cookie’s Peanut Butter.

Hindi pa naman napag-uusapan kung sino ang makakasama niya, lumulutang na ang pangalan nina John Estrada at Janine Gutierrez. Okay lang naman daw kay Alden kung sino ang kapartner niya, sakaling hindi naman puwede si Maine Mendoza. “Siyempre po, dun po sana tayo sa nakasanayan, pero tingnan na lang po natin kung ano po talaga ‘yung magiging turnout,” safe na sagot sa amin ni Alden.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with