^

Kutob

March 20, 2018

Madam Rosa - Pilipino Star Ngayon

PISCES (Peb. 19 - Mar. 20) – Nasa trabaho ang pag-asa para maging masagana ang buhay. Alagaan ng buong husay ang kasalukuyang trabaho. Iwasan ang mainggit sa kapwa para hindi danasin ang maghirap. Iwasan ang tsismis para hindi mabaon sa utang. Lucky numbers at color for the day ay 7, 36, 40, 42 at lavander.

ARIES (Mar. 21- Abr. 19) – Matutong magpahalaga sa gawain ng iba. Huwag maging mapaghanap sa mga kasamahan o kasambahay na hindi naman kasama sa kanilang mga gawain. Pagmumulan ng pagtatalo ang isang matagal ng isyu. Iwasan ang maging mapagpuna kung gusto mong maging happy sa pakikipagrelasyon. Lucky numbers at color for the day ay 9, 16, 20, 31 at white.

TAURUS (Abr. 20 - May. 20) – Katamtaman ang benta sa negosyo. Kailangan ang pagkakaisa ng pamilya. Ang pagsisikap ay maghahatid ng kaluwagan. Ang kasintahan o minamahal ay maunawain. Huwag maging mapaghanap sa mga kasamahan sa gawain o kaya’y sa tahanan. Lucky numbers at color for the day ay 6, 1,, 19, 39 at dollar green.

GEMINI (May 21- Hun. 21) – Ang kawalang sigla ay dahil sa pagkakamali. Suriing mabuti bago magpahalaga ng payo. Huwag mangako at tiyak hindi matutupad. Mag-ingat sa pagkilos at pananalita para hindi makasakit ng kapwa. Lucky numbers at color for the day ay 15, 25, 37, 40 at tangerine.

CANCER (Hun. 2 - Hul. 22) – Maaaring may pagtatalo ang mag-asawa, magkasintahan, magkaibigan o sa pagitan ninyo ng kasamahan. Pakinggan ang kutob ng kalooban at ito ang dapat gawin. Lawakan ang pang-unawa. Huwag bigyan ng puwang ang lungkot dahil sa pag-ibig. Lucky numbers at color for the day ay 8, 26, 28, 38 at aquamarine.

LEO (Hul. 23 - Ago. 22) – Isang kapatid o kamag-anak ang matutulungan. Sundin ang kutob. Iwasan ang tsismis para hindi danasin na mabaon sa utang. Iwasan na malasing para hindi masangkot sa gulo. Lucky numbers at color for the day ay 18, 31, 40, 42 at midnight blue.

VIRGO (Ago. 23 - Set. 23) – May ilang kasamahan ang maghanap ng iyong atensiyon at pang-unawa. Makakatanggap ng sulat o tawag mula sa isang kaibigan sa abroad. Ipapakilala ka ng kaibigan sa isang tao na magkakaroon ng mahalagang espasyo sa puso mo. Magiging masaya ang romansa. Lucky numbers at color for the day ay 9, 18, 41, 42 at pink.

LIBRA (Set. 24 - Okt. 23) – Ang sipag ay magdduulot ng sagana. Anuman ang gawin ay may pakinabang na aanihin. Ang konsentrasyon ay dapat gawin para makamit ang minimithi. Magiging mapalad sa pag-ibig at pananalapi, lalo na sa negosyo. Lucky numbers at color for the day ay 19, 23m, 25, 36 at sun yellow.

SCORPIO (Okt. 24 - Nob. 22) – Iwasan ang mga kaibigan na maluluho at tiyak mapapasubo sa malaking gastusan. Iwasan ang maging sentimental. Sikapin na maging masaya sa kabila ng suliranin. Huwag magpadala sa sulsol ng mga kasamahan o kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 1, 23, 25, 39 at magenta.

SAGITTARIUS (Nob. 23 - Dis. 21) – Huwag ipilit ang bagay na mahirap tanggapin para sa nakakarami. Ang maging malihim ay tawag ng pagkakataon. Ang naging suliranin sa nakaraan ay may kalutasan ngayon. Iwasan na mag-init ang ulo para hindi masira ang iyong araw. Lucky numbers at color for the day ay 3, 7, 34, 41 at yellow.

CAPRICORN (Dis. 22 - Ene. 19) – Isang Leo ang magbibigay ng kasiglahan subalit isang Aries naman ang magbibigay ng sakit ng ulo. Ang maging mahinahon at ang pagpaparaya ay sadyang tawag ng pagkakataon. Iwasan ang usaping negosyo at pera dahil tiyak walang patutunguhan. Lucky numbers at color for the day ay 18, 31, 34, 42 at indigo.

AQUARIUS (Ene. 20 - Peb. 18) –  Ang hindi paglimot sa pagdarasal sa tuwina ay magdudulot ng magandang kapalaran sa buhay. Kailangan ngayon ang matibay na paninindigan at pagpapasya. Matutong manalig sa sariling kakayahan at pagdedesisyon. Makakakilala ng bagong kaibigan. Lucky numbers at color for the day ay 15,22, 33, 41 at aquamarine.

vuukle comment

HOROSCOPE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with