^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (87)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

GALIT pa rin sa kan­ya ang kapatid, iyon ang iniisip ni Mommy Donna habang nakasakay sa taksi, pauwi sa condominium. Nagpakalayu-layo na ang kapatid. Kahit nagpaliwanag na siya sa kapatid noon kung bakit hindi nakarating sa burol ng kanyang mga magulang, hindi ito maniwala. Masama siyang anak na mas inuna pa ang makipagrelasyon kaysa umuwi sa mga matatandang magulang. Hindi siya naunawaan ng kanyang kapatid. Sinabi niya ang sitwasyon na hindi siya basta-basta makakauwi. Ang isa sa mga nagpabigat ay hindi na siya nakapagpadala ng pera dahil nawala na siya sa pinagtatrabahuhan dahil iniuwi na siya ni Toshi sa bahay nito. Malaking halaga ang nawala sa kanya sa pag-alis sa pinagtatrabahuhan. Pero hindi niya pinagsisihan iyon dahil mahal naman niya si Toshi. Huli na nang malaman niyang hindi pala ito dapat mahalin.

Nang makarating sa condo, nakadama siya ng pagod at panlalambot. Nabigo kasi siyang makita ang kapatid.

Nagulat si Ruth nang maratnan siyang walang kasigla-sigla. Ngayon lamang nangyari na wala siyang kibo.

‘‘Anong problema, Mommy?’’

“Nagtungo ako sa dating tirahan ng kapatid ko sa Santa Ana pero wala na siya roon. Nasa probinsiya na raw.’’

“Kaya ka ma­lungkot dahil dun?’’

“Oo. Hindi pa kasi ako napapatawad ng kapatid ko.’’

“Saan daw sa probinsiya ang kapatid mo.’’

‘‘Hindi sinabi, basta sa probinsiya na raw titira.’’

‘‘Sana may address, puntahan natin. Siguro naman, hindi ka na mata-tanggihang patawarin.’’

“Totoo Ruth, pupuntahan natin siya?’’

“Oo. Pero dapat ma­­la­man natin ang address niya.’’

“Babalik ako sa Sta, Ana. Aalamin ko.’’

‘‘Sige Mommy. Pag­nalaman mo, puntahan agad natin.’’

May kislap sa mga mata ni Mommy  Donna. (Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with