^

True Confessions

Sa Piling ng Kalapati (83)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

“HINDI ka na maiinip habang naririto sa condo, Mommy. May pagliliba­ngan ka na,” sabi ni Ruth. “Maari ka nang mag-FB o mag-games.’’

“Baka ma-addict ako sa FB.’’

“Okey lang ma-addict sa FB huwag lang sa SHB.’’

“Anong SHB?’’

“Short for shabu.’’

“Ha-ha-ha! Sira ka talaga Ruth.’’

“Pagkatapos mong mag­luto at maglaba, painternet-internet ka na lang, Mommy.’’

“Sarap naman ng buhay ko. Akalain ko bang ganito ang magiging buhay ko. Ni sa panaginip, hindi ko inaasahang mang­ya­yari ito.’’

“Kapag nainip ka pa o nagsawa sa internet, pas­yal ka sa mall. Malapit lang naman dito. Para maiba-iba naman.’’

“A gusto ko, paglalabas o mamamasyal, kasama ka. Hindi ako sanay na hindi ka kasama.’’

“Sige. Kung ‘yan ang gusto mo. Concern lang naman ako na baka naiinip ka.’’

“Hindi. Isa pa, hindi naman ako mahilig lumabas. Mas gusto ko pa nga rito sa condo.’’

“Okey. Pero gusto mo abroad uli tayo?’’

“’Yan ang gusto ko. Saan naman tayo?’’

“Hong Kong naman tayo, Mommy.’’

“Okey.’’

WALA  na yatang ma­hi­hiling pa si Mommy Donna. Ibinigay na sa kanya lahat ni Ruth ang mga gusto niya.

Kapag nag-iinternet, ang anak-anakan ang nasa isip niya. Suwerte talaga niya. Kung hindi kay Ruth hindi niya mara­ranasan ang ganitong buhay. Sana, wala nang katapusan ang kasiyahang nararanasan niya. Walang tigil ang pasasalamat niya sa anak-anakan.

(Itutuloy)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with