^

PM Sports

Magnolia sinikwat ang bonus

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ayaw nang pumasok ng mga Hotshots sa komplikasyon para sa ikalawang ‘twice-to-beat’ incentive sa eight-team quarterfinal round.

Tuluyan nang sinibak ng Magnolia ang Meralco sa pamamagitan ng 90-80 panalo para angkinin ang nasabing bonus sa 2018 PBA Philippine Cup kahapon sa Xavier University Gym sa Ca­ga­yan De Oro City.

Winakasan ng Hotshots ang kanilang apat na sunod na kamalasan sa mga out-of-town games para singilin ang pang-walong panalo sa 11 asignatura.

Natapos naman ang sinakyang two-game winning streak ng Bolts pati na ang kanilang tsansang makasama sa quarterfinals.

Umeksena si combo guard Paul Lee mula sa kanyang 23 points tampok ang 12-of-17 fieldgoal shooting para banderahan ang tropa ni coach Chito Victolero, nakahugot ng 12 markers kay Ian Sangalang.

Mula sa 22-22 pagkakatabla ay umarangkada ang Hotshots para itakbo ang 12-point lead, 44-32, sa halftime patungo sa pagpoposte ng 21-point advantage, 66-45, laban sa Bolts galing sa banked shot ni Bambam Gamalinda sa huling 1:43 minuto ng third period.

MAGNOLIA 94 - Lee 21, Sangalang 12, Herndon 10, Melton 8, Simon 8, Barroca 7, Mendoza 5, Reavis 4, Pingris 4, Gamalinda 4, Brondial 4, Pascual 4, Dela Rosa 3.

Meralco 65 - Newsome 13, Sedurifa 10, Lanete 9, Caram 8, Ballesteros 6, Amer 5, Salva 4, Canaleta 4, Faundo 4, Hugnatan 2, Dillinger 0, Bono 0, Tolomia 0, Baracael 0.

Quarterscores: 20-15; 44-32; 68-48; 94-65.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with