Adamson ginitla ang La Salle
MANILA, Philippines — Ipinoste ng Adamson University ang pinakamalaking upset sa season matapos talunin ang nagdedepensang De La Salle University, 25-18, 15-25, 25-19, 25-22, sa eliminasyon ng UAAP Season 80 volleyball tournament kahapon sa Fil-Oil Flying V Center sa San Juan.
Nagsilbing inspirasyon para sa Lady Falcons ang kanilang came-from-behind win sa third set para bumalikwas mula sa 5-9 pagkakahuli sa fourth set.
Sa unang laro, itinala ng Far Eastern University ang una nilang back-to-back wins nang pataubin ang University of the East, 25-20, 25-17, 24-26, 25-22.
Sa kanilang panalo ay umakyat ang Lady Tamaraws sa 3-2 marka, habang nanatili namang walang panalo ang Lady Warriors sa anim na laro.
Namuno si Bernadeth Pons para sa FEU mula sa kanyang 21 points
Sa men’s division, napanatili ng Tamaraws ang kanilang malinis na marka matapos talunin ang Red Warriors, 25-15, 25-16, 25-22.
Umangat naman ang La Salle Spikers sa 3-3 baraha nang daigin ang Adamson Falcons, 25-20, 25-15, 24-26, 25-23. FMLumba
Related video
- Latest