^

PM Sports

Pagnanawon nais sundan ang yapak ng kanyang ama

Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaasa si Jaybop Pagnanawon na masundan ang yapak ng kanyang amang si dating Marlboro Tour champion Rolando sa pagbandera niya sa Team Bike Xtreme sa Ronda Pilipinas 2018 na inihahandog ng LBC at pakakawalan sa March 3 sa Vigan, Ilocos Sur at magtatapos sa March 18 sa Filinvest, Alabang.

Pangungunahan ng 29-anyos na si Pagnanawon ang Team Bike Xtreme na kinabibilangan ng kanyang kapatid na si Jhunvie at pinsan na si Jhetly.

Noong nakaraang taon ay hindi nakasama si Pagnanawon sa Top 20 nang magkaroon ng mechanical problem.

Si Team Bike Xtreme coach Lloyd Lucien Reynante, gumiya sa pagdomina ng Navy-Standard Insurance’ sa mga nakaraang Ronda editions, ang magdadala sa potensyal ng kanyang mga siklista.

Bukod sa magkapatid na Pagnanawon, ang iba pang miyembro ng tropang pagmamay-ari ni Singapore-based Vincent Leow ay sina Michael Ochoa, James Ferfas, Arjay Kaul, Michael Farre at Valdimir Ulanday.

Sinabi ni Reynante na ang edisyong ito ang magiging pinakamahirap dahil sa pagpedal nina 2011 at 2015 champion Santy Barnachea ng Team Franzia, 2013 king Irish Valenzuela ng CCN Superteam at 2015 runner-up George Oconer ng Go for Gold.

Nariyan pa si Warren Davadilla, ang two-time champion ng Marlboro Tour na tutulong kay Valenzuela sa CCN.

 

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with