^

PM Sports

Araña puwede nang maging coach?

Pang-masa
Araña puwede nang maging coach?

Ryan Araña

Coach Ryan Araña?

MANILA, Philippines — Posibleng iyan na ang maging bansag kay Araña kapag natapos na ang kanyang karera sa pag-lalaro makaraang magpamalas ng angking galing sa pagiging coach kahit sa sandaling pagkakataon lamang.

Sa huling 1:37 minuto ng laban kung kailan lamang ang Globalport kontra sa Kia kamakalawa, sopresang ibinigay ni Coach Pido Jarencio ang playboard sa kanyang beteranong manlalarong si Araña.

Bagama’t nabigla ay sumunod sa utos si Araña.

“Habang naghu-huddle sila, umupo lang ako then binigay sa akin yung board. ‘Sige, Ryan, ikaw mag-drawing ng last play for Stanley Pringle’. So nag-drawing ako and everyone was listening,” paglalahad ni Araña.

Bilang sukli, hindi binigo ni Araña dahil tagumpay ang tinatawag nilang ‘Y’ play na nagresulta sa basket ni Pringle.

Ikinatuwa ito ni Ja-rencio at sinabing produkto lang aniya ito ng solido nilang samahan sa Batang Pier kung saan ang lahat ay makikinig sa kanya man bilang coach o sa mga beteranong manla-laro bilang kanilang lider.

Wagi ang Globalport sa labang iyon, 108-91 upang umangat sa 5-5 kartada at mapalakas lalo ang tsansang makapasok sa playoffs ng umaatikabong 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup.

Nagkasya lamang si Araña sa dalawang puntos, walong rebounds at dalawang assists ngunit higit sa mga numero ay mas mahalaga ang karanasang nakuha niya na posibleng maging alas niya sa kanyang coaching career sa hinaharap. (ADimasalang)

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with