^

Police Metro

Oil firms nagtaas ng presyo

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ngayong Araw ng mga Puso ay  nagpatupad muli nang taas presyo ng kanilang produkto ang mga kumpanya ng langis na pinangunahan ng PTT Philippines, Total Philippines at Seaoil.

Tumaas ng P0.20 kada litro ang kanilang diesel o krudo, na epektibo ng alas-6:00 ng umaga.

Walang paggalaw sa presyo ng kanilang gasolina at kerosene.

Inaasahan mag-aanunsiyo na rin ang  iba pang kumpanya ng langis nang pagtaas ng kanilang diesel.

Ang paggalaw ng presyo ng krudo ay bunsod na rin sa paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang pamilihan.

Matatandaan na noong nakaraang Martes, Pebrero 7 ng taong kasalukuyan ay nagkaroon ng pagtaas ng pres­yo ng kanilang diesel at gasolina.  

vuukle comment

PTT PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with