^

Punto Mo

EDITORYAL - Air pollution, pinalubha ng mga paputok

Pang-masa
EDITORYAL - Air pollution, pinalubha ng mga paputok

GRABE ang air pollution sa Metro Manila pero lalo pa itong pinalubha noong gabi ng Disyembre 31, 2016 nang salubungin ang pagpapalit ng bagong taon 2017. Tumaas ang lebel ng air pollution na umabot sa 2.5 PM (particulate matter). Mas mataas ito kumpara sa lebel ng air pollution noong Disyembre 31, 2015 habang sinasalubong ang 2016. Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), mas mababa ang naitalang air pollution noong nakaraang taon dahil umulan at kakaunti ang nakapagpaputok. Hindi katulad ngayon na bagamat umambon, naging maganda rin naman ang panahon sa magdamag kaya nagpatuloy ang pagpapaputok. Ang usok mula sa mga paputok ang naging dahilan ng paglubha ng air pollution at magpapatuloy pa ito hangga’t walang ngipin ang pamahalaan para maipatigil ang paggawa at pagbebenta ng paputok.

Ang DENR ang nararapat manguna sa kampanya para lubusang maipatigil na ang paggawa at pagbebenta ng paputok. Kung hindi gagawa ng aksiyon ang DENR, magpapatuloy ang pagkasira ng kalikasan dahil sa air pollution na pinalulubha ng mga paputok tuwing sasapit ang bagong taon.

Dapat lamang ang total ban sa paputok sapagkat bukod sa air pollution, marami ring napipinsala dahil sa insidente ng sunog, pag­kasugat, pagkaputol ng daliri, kamay at pag­kabulag.

Mahigpit ang pagtutol ni President Rodrigo sa mga paputok at naipasunod niya ito sa Davao City kung saan naging mayor siya sa mahabang panahon. Ganito rin ang dapat niyang gawin sa buong bansa. Ipagbawal ang paputok sa susunod na pagdiriwang ng bagong taon.

vuukle comment

METRO MANILA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with