^

Punto Mo

EDITORYAL - Hustisya sa Maguindanao massacre, kailan makakamtan?

Pang-masa
EDITORYAL - Hustisya sa Maguindanao massacre, kailan makakamtan?

SA Nobyembre 23 ng taong kasalukuyan ay eksaktong pitong taon na ang karumal-dumal na Maguindanao massacre kung saan 58 katao – 32 rito ay mamamahayag -- ang walang awang pinagpapatay at saka inilibing sa isang inihandang hukay. Naganap ang massacre ilang kilometro ang layo sa Shariff Aguak, kung saan magpa-file ng certificate of candidacy ang kaanak ng noon ay Buluan Vice Mayor Esmael “Toto” Mangudadatu. Kasama sa convoy ang kanyang supporters at mga mamamahayag. Pero bago nakarating sa destinasyon, hinarang na sila ng may 100 armadong kalalakihan na pinamumunuan umano ni Andal Ampatuan Jr.  Pinababa ng sasakyan ang mga nasa convoy at saka pinagbabaril. Pagkatapos masigurong patay na lahat, inilibing nila sa malaking hukay. Pati mga sasakyan ay isinama sa hukay.

Sinampahan ng kaso ang mag-aamang Ampatuan --- Andal Ampatuan Sr., Andal Jr. at Zaldy at 200 iba pa. Ikinulong sila sa Bicutan jail. Noong 2014 namatay ang matandang Ampatuan (utak umano ng masaker). Ang mayhawak ng kaso ay si Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Quezon City Regional Trial Court Branch 221. Pero maaaring bitawan na raw ni Solis-Reyes ang kaso sapagkat nominado ito sa pagiging Associate Justice.

Marami sa mga kaanak ng biktima ang nawawalan ng pag-asa na makakamtan ang hustisya. Pangamba rin ng mga naulila ay ang unti-unting pagkawala ng mga testigo sa karumal-dumal na krimen. Marami nang pinatay para wala nang makapagsalita sa totoong nangyari.

Hanggang kailan ang paghihintay sa kasong ito? Ilang taon pa ang hihintayin. Sana naman, huwag iwanan ni Judge Solis-Reyes ang kasong ito para magkaroon na nang paghahatol.

Nagbigay naman ng pag-asa si DOJ Sec. Vitaliano Aguirre II na matatapos ang kasong ito sa panahon ni President Rodrigo Duterte. Sana nga ay magkatotoo ang sinabi niya. Tapusin na ang pagkauhaw sa hus-tisya ng mga kaanak ng Maguindanao massacre.

vuukle comment

MAGUINDANAO MASSACRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with