^

Punto Mo

Las Piñas police chief na umiwas sa COVID, sinibak ni Sinas!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINIBAK sa puwesto si Las Piñas City police chief Col. Segundo Lagundi dahil sa pag-iwas sa laban vs COVID-19. Imbes na asikasuhin ang siyudad ni Mayor Mel Aguilar habang nasa kainitan ng COVID, aba nag-file ng 15-day leave itong si Lagundi at “nagbakasyon” sa Cagayan. Ang buong Philippine National Police ay ipinasailalim ni PNP chief Gen. Archie Gamboa sa full alert, ang pinakamataas na alert level ng PNP na ang ibig sabihin lahat ng leaves, R&R at iba pang bakasyon ay bawal.

Nang malaman ni National Capital Region Police Office (NCRPO) chief Maj. Gen. Debold Sinas ang ginawa ni Lagundi, tinawagan kaagad nito si Brig. Gen. Angelito Casimiro, ang PRO2 director, para hanapin at ipa-custody si Lagundi sa Cagayan. Si Lagundi ay na-trace ng mga tauhan ni Casimero na naka-confine sa isang ospital habang pinapatingnan ang “kidney?” Na-burn out kaya si Lagundi sa pakikipaglaban sa COVID? Araguuyyy! Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hak hak hak!

Sinibak kaagad ni Sinas si Lagundi para mahaba ang magiging pahinga n’ya at mapawi ang takot n’ya sa COVID. Ayon sa report ng NCRPO, si Lagundi ay nag-apply ng 15-day leave at pinayagan naman ng personnel chief ng Southern Police District (SPD). Matapos makuha ang go signal ng D1, kaagad tumulak si Lagundi sa Cagayan, at hindi man lang umakyat ang papel n’ya kay SPD director Brig. Gen. Emmanuel Peralta. Hindi rin siya nagpaalam kay Sinas, na nangunguna sa laban sa COVID sa Metro Manila.

At higit sa lahat, walang travel authority si Lagundi mula sa Inter-Agency Task Force (IATF), na nagre-regulate ng deployment ng mga pulis vs COVID. Iniutos ni Sinas ang pagsibak kay Lagundi, na pinalitan naman ni Col. Rodel Pastor, na dating hepe ng personnel (R1) ng NCRPO. Si Lagundi ay naka-floating status ngayon sa Police Holding and Administrative Unit (PHAU) sa Camp Crame. Araguuyyy! Hak hak hak!

Nawalan na nga ng puwesto si Lagundi, na miyembro ng PNP Academy Class ‘95, eh tiyak samu’t saring kaso pa ang aabutin niya, di ba NCRPO intelligence chief Col. Remus Medina Sir?

Halos walong buwan ding naging hepe ng Las Pinas police si Lagundi kahit ayaw sa kanya ni Mayor Aguilar. Ayon kay kosang Elmer Constantino, palaging hinahanap ni Aguilar si Lagundi subalit magaling magtago. Hindi lang ‘yan! May report pang nakarating sa NCRPO na palaging umiinom ng alak si Lagundi kaya iniinda  ang kanyang kidney. Ano ba ‘yan?

Nagtataka lang ang mga kosa ko sa NCRPO kung bakit sa Cagayan pa nagpa-confine si Lagundi e marami namang ospital sa Metro Manila na may kakayahang gamutin ang sakit niya. Baka takot madapuan ng virus si Lagundi kaya sa Cagayan siya nagpa-confine. Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Kaya kayong mga chiefs of police sa Metro Manila, seryosohin ang trabaho vs COVID para di kayo dapuan ng virus. At higit sa lahat ‘wag gayahin ang gimik ni Lagundi para hindi kayo masibak. Abangan!

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with