^

Police Metro

DILG: Higit 15K qualified PDLs, pinalaya

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na napalaya ang nasa 15,000 persons deprived of liberty (PDLs) sa pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology sa gitna ng coronavirus disease o COVID-19 pandemic mula March 17 hanggang June 22.

“Ang paglaya ng libu-libong PDLs ay patunay na hindi sila nakakaligtaan at hindi pinapabayaan. Patunay rin itong gumagana ang justice system sa bansa kahit pa man may pan­demya,” paliwanag ni Año.

“Kahit pa maraming responsibilidad ang ipinagkakatiwala sa DILG ngayong COVID-19 crisis ay hindi isinasantabi ng Kagawaran at ng BJMP ang PDLs. Tinitiyak namin ang kapakanan at kaligtasan nila,” dagdag pa nito.

Sa napalayang 15,322 PDLs. 5,910 ang mula sa National Capital Region; 1,557 sa CALABARZON; 1,487 sa Central Visayas; 1,041 sa Central Luzon; 897 sa Zamboanga Pe­ninsula; 762 sa Northern Mindanao; at ilan pa sa ibang bahagi ng bansa.

Karamihan aniya sa napalaya ay matatanda na o yung may mga magagaan at bailable offenses.

vuukle comment

EDUARDO AñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with