^

Bansa

COVID-19 cases sa Pilipinas 20,626 na; pagdami bumagal sa 244

James Relativo - Philstar.com
COVID-19 cases sa Pilipinas 20,626 na; pagdami bumagal sa 244
Inaasikaso ng isang restaurant employee ang kanilang customer sa likod ng plastic sheet bilang pag-iingat sa bansa ng COVID-19, ika-2 ng Hunyo, 2020
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines (Update 1, 5:36 p.m.) — Walang humpay pa rin ang pagdami ng kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Pilipinas, ayon sa pinakahuling ulat ng Department of Health (DOH), Biyernes.

Ayon sa DOH, umabot na ang mga kumpirmadong kaso ng viral infections sa bilang na 20,626. Binubuo 'yan ng mga sumusunod:

  • fresh cases (168)
  • late cases (76)

'Di hamak na mas mababa ang 244 panibagong kumpirmadong kaso ngayong araw kumpara sa 634 naiulat kahapon.

 

"Mababa na po ang bilang ng mga 'late cases' na naitala natin ngayon, sa pagkat halos tapos na po ang pagva-validate ng mga complete line list na galing sa ating mga laboratories," paliwanag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang virtual briefing.

"Inaasahan po natin na mag-uumpisa na po tayong makapag-report ng fresh cases pagkatapos mag-suibmit ng complete line list ang isang laboratoryo na lang na hinahantay natin."

Ang mga "fresh cases" ay tumutukoy sa mga resultang nailabas na nakalipas na tatlong araw habang "late cases naman ay yaong mga resultang lampas apat na araw nang naibigay.

Umabot naman na sa 987 ang namamatay bunsod ng virus. Mas mataas 'yan nang tatlo kumpara sa datos na iniulat ng DOH kahapon.

Samantala, nadagdagan pa ng karagdagang 82 kaso ang mga gumaling mula sa mga nahawaan ng COVID-19. Sumatutal, 4,330 na ang gumagaling sa sakit sa bansa.

Kasalukuyang nasa 6.4 milyon na ang bilang ng tinatamaan ng nakamamatay na sakit sa buong mundo simula nang sumibol ito sa Wuhan, China Disyembre taong 2019. Sa bilang na 'yan, 382,867 na ang pumapanaw, ayon sa World Health Organization.

"A vaccine will be essential for controlling COVID-19," paliwanag ni WHO director general Tedros Adhanom.

"But vaccines only realise their true power when they are deployed to protect the poorest and most vulnerable."

Dahil diyan, itinayo na nila at ng kanilang mga partners ang "Access to COVID-19 Tools Accelerator" at "COVID-19 Technology Access Pool," para matiyak na maaabot ng lahat ang bakuna oras na lumabas na ito.

Related video:

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with