Everything you need to know about 'Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience'
Promotional image for 'Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience'
ABS-CBN/Released
Everything you need to know about 'Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience'
Ratziel San Juan (Philstar.com) - October 8, 2020 - 6:22pm

MANILA, Philippines — Kapamilya actor-singer Daniel Padilla is set to hold his first-ever digital show this coming Sunday.

“Apollo: A Daniel Padilla Digital Experience” will feature the 25-year-old's musical journey, from headlining his first solo concert "Daniel: Live!" in 2014 to his last major gig "D4" in 2018.

The concert will be narrated through Daniel's music, as well as his favorite classics and today's hits.

“It’s very different because firstly, the fans who always show support during my concerts won’t be physically there, but of course we still want to give the same feeling virtually,” DJ explained. 

Fans may buy tickets at P499 each exclusively on ktx.ph.

Here’s what else you need to know about the one-night experience, as answered by Daniel himself during a media conference earlier this week.

Will the concert feature any guests?

“Actually isa lang ang guest ko. ‘Yung kapatid ko mismo ang guest ko at ang banda niya (alternative rockband Jose Carlito led by frontman JC Padilla). So ‘yun lang. It’s gonna be me, the band and JC. So ‘yun lang muna dahil nahihiya rin akong mag-imbita ng mga tao dahil siyempre, ‘di ba, may pandemic. So ayaw ko na rin silang ma-stress o ma-hassle pa.”

What is the inspiration behind ‘Apollo’ as a concept?

“Bata pa ko, talagang fascinated na ko sa buwan. Lalo ngayon dahil alam mo naman na pag nagtatrabaho kami, tuwing gabi na lang kami lagi nakakauwi. At tuwing gabi at pag umuuwi ako, laging tinitignan ko lang ‘yung buwan pagkatapos ng trabaho. I think para sa’kin kasi, meron akong nakukuhang energy sa buwan na mahirap i-explain. Sa araw, ‘di ba meron tayong tinatawag na sunbathing, nagbibigay siya ng bitamina sa’yo. Pero sa’kin sa buwan may nakukuha rin ako. Pag nakita ko ‘yung buwan there’s always hope at may bukas pa ulit. It’s just really beautiful.”

How is it like to hold a concert under a new normal setup?

“It’s very different... kakaiba ngayon kasi nga wala tayong masyadong tao kahit ‘yung mga staff natin dito sa concert ay bilang dahil hindi puwede masyadong marami. So iba rin siya. Pero it’s more intimate. Mas makikita mo ‘yung mga pwede mo ring gawin unlike before dati pag nagko-concert ako na parang kung ano na ‘yung nando’n, ‘yun na ‘yun eh. Kasi habang nagre-rehearse ako nagte-taping din ako. So hindi ko na rin nababantayan. Unlike now, meron tayong oras bantayan ‘yung stage, kung ano ba magiging itsyura ng stage, paano ba ‘yung bagsak ng musika. Pagdating din sa mga shots natin. Nababantayan natin lahat. So it’s different pero meron din siyang positive sides. Malungkot lang ‘yun nga sabi ko kasi wala kayo doon para sumuporta ng live sa akin pero ipaparamdam ko pa rin sa’yo na magkakasama tayo. ‘Yun naman ang goal natin dito sa concert na ito.”

What type of music will be featured during the concert?

“Wide naman ang kinakanta ko. We have songs from the ‘50s. We have songs from the ‘70s, ‘80s, ‘90s, new wave, alternative rock, local t’saka international. ‘Yan po ‘yung mga kakantahin natin. Pero marami rin akong kakantahin ngayon na puno ng hope para sa nangyayari ngayon.”

Will there be any live audience members for the concert?

“‘Yan ho ang inaayos ko ngayon. Sabi ko, ‘hindi ba pwedeng mag-imbita tayo dito ng kahit ilang fans...habang kumakanta ako nand’yan lang din sila. Dahil iba eh. Nung nagre-rehearse ako na walang tao, sabi ko, ‘kaya ko ba talaga ‘to na walang tao?’ Parang kahit iilan lang sila, itong mga maseswerteng supporters at mga worthy na supporters, papanoorin ko dito para may interaction din ako with them. Dahil iba ‘yung may kinakantahan ka rin na para sa kanila ‘yun. So ‘yan ginagawan ho namin ng paraan. Inaayos na po namin... Ang pilit po naming inaano is 15 to 20. Inaayos pa po natin kasi siyempre may mga procedures pa po tayo.”

Why hold a concert during a pandemic?

“Tinanong ho ako kung gusto ko bang mag-concert ngayon. Ang totoong sagot ko ay ayaw ko ho talaga. Ayaw ko ho talaga mag-concert muna. Parang feeling ko nauubusan na ho ako ng kakantahin tapos wala akong energy na gawin ‘yun ngayon. Siguro sa dami ho ng nangyayari parang kaya ko ba talagang mag-focus dito ngayon, t’saka kaya ko pa ba talaga kumanta, kaya ko pa bang mag-handle ng isang concert? So unang ano ko parang sabi ko sa kanila ayaw ko muna or ayaw ko muna talaga. Kasi ‘yun nga ‘yung nararamdaman ko nung time na ‘yun. Pero ‘nung kinagabihan nung nag-iisip ako na parang, ‘Pero bakit ayaw ko? Dapat bang iniisip ko ‘yung sarili ko sa panahon ngayon? Ako ba dapat ang iniisip ko?’ Pumayag na ho akong tanggapin dahil na-realize ko na hindi naman ‘to para sa’kin.

Para 'to sa mga taong makakasama ko dito sa concert na ‘to. Unang una, ‘yung mga staff na kasama namin. Alam niyo naman ho ang estado ng ABS ngayon. Maraming nawala. So itong chance na may gawin kami na magkakasama ulit, why not? I will do it for them...na may magawa lang ulit muna kami habang bumabawi tayo at bumangon. Pangalawa, kamusta ho ba ang mga supporters natin ngayon, kumusta ang kondisyon nila, kumusta ‘yung kondisyon ng pamilya nila. Ipagdadamot ko pa ba sa kanila ito? Ipagdadamot ko pa ba ‘yung ilang saglit ng kasiyahan sa kanila na maramdaman nila na okay pa rin tayong lahat. Na nandito pa rin kami, naghihintay lang din sa inyo na maging maayos ang lahat...Let’s do it for the people. At mang-inspire tayo ng mga tao, magbigay tayo ng hope. So ‘yun ‘yung naging core kaya pumayag at gagawin na po natin ito.”

ABS-CBN DANIEL PADILLA
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with