^

Movies

Feeling nabudul-budol daw kaya napapirma, Young actress nganga sa bagong manager

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Masama ang loob ng isang young actress sa kanyang bagong manager dahil inakala niya na gaganda ang career niya after iwan ang dati niyang manager.

Pero ilang buwan na nga raw siyang nakapirma sa kanyang new manager pero wala pa ring natutupad sa mga pangako nito.

Lagi nga siyang nagtatanong kung ano na ang kanyang gagawin na trabaho dahil umaasa sa kanya ang kanyang pamilya. Lagi naman daw sinasabi sa kanya na under negotiations ang lahat. Maghintay lang daw siya.

Sana man lang daw ay maihanap siya ng mga show sa probinsya or sa mga mall dahil dun nga siya kumikita ng malaki noong nandoon pa siya sa kanyang dating manager.

Pero masyado raw nagpapasosyal ang bago niyang manager. Hindi siya nakikipag-negotiate sa mga mall people dahil babaratin lang daw siya. Gusto niyang maitaas ang level ni young actress tulad ng ibang talents niya.

Ang kaso nga ay wala namang kumakagat sa mga talent niya dahil nga sa sobrang kaartehan ng manager. Nalaman pa ni young actress na may mga advertiser na ayaw makipag-deal sa kanyang manager dahil mahirap daw itong kausap at maraming demands.

Tuloy nagsisisi na si young actress kung bakit pa siya napilitang pumirma sa manager na ito. Pakiramdam niya ay binudol-budol siya ng manager para mapapirma siya ng kontrata.

Naging mailap ang kapalaran noon, AiAi hindi sinukuan si Bossing

Ikinuwento ni AiAi delas Alas na dalawang beses siyang hindi pinayagan ng Star Cinema noon na tumambal kay Vic Sotto.

Ito raw ang labis na ikinasama ng loob ng Comedy Queen dahil noong mga panahon na iyon ay ramdam niya na nasa lowest point siya ng kanyang career.

“Dalawang beses iyon na pinagbawalan ako.

“Una ay ‘yung part two sana ng Enteng Ng Ina Mo. Tapos ‘yung isa pang movie na kasama dapat namin ni Bossing ay si Ryzza Mae Dizon.

“Pareho akong pinagbawalan, na siyempre ikinasama ng loob ko,” sey ni AiAi.

Pero hindi raw nawalan ng pag-asa si AiAi na maibabangon niya ang kanyang sarili.

“Sobra ang pasasalamat ko kay God. Kasi kung hindi sa Kanya ay hindi ako nakaupo ngayon dito.

“Again praise God, and to God be the glory,” ngti pa ni AiAi.

Ngayon ay magkasama na ulit sina AiAi at Vic sa Metro Manila Film Festival (MMFF) official entry na My Bebe Love #KiligPaMore.

Kuwento pa ni AiAi na hiningahan niya ng sama ng loob si Bossing Vic, kaya laking tuwa niya na nagkasama ulit sila sa isang pelikula.

Pelikula ni Cate Blanchett nangunguna sa nominasyon sa Golden Globe

In-announce na ang official nominees para sa 2016 Golden Globe Award na ipinamamahagi ng Hollywood Foreign Press.

Nanguna ang pelikulang Carol with five nominations. Bida rito sina Cate Blanchett at Rooney Mara. Nominated ito for best film drama, original score and best director for Todd Haynes.

Sumunod ang mga pelikulang The Revenant, The Big Short, and Steve Jobs na nakakuha ng tig-apat na nominations.

Makakalaban ng Carol sa best film ang The Revenant, Mad Max: Fury Road, Room and Spotlight.

Ricky Gervais will return to host the ceremony on 10 January.

vuukle comment

ACIRC

AIAI

ANG

BIG SHORT

CATE BLANCHETT

KANYANG

MANAGER

MGA

NIYA

PERO

SIYA

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with