^

PSN Showbiz

Ejay, nagpaliwanag ng utang na loob sa ex-manager!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Ejay, nagpaliwanag ng utang na loob sa ex-manager!
Ejay
STAR/ File

Kaloka, ang laki na pala ng isyu na ginawa ng ‘Ejay Falcon series.’ Nakakatuwa naman na dahil sa column at social media, nagagawa nilang tumawag para i-clear ang mga issue.

Tinawagan ako ni Ejay Falcon at talagang na-clear out niya itong issue sa kanyang dating manager na si Benjie Alipio. Sa kuwento ni Ejay parang ‘yung tampo ni Benjie eh, hindi talaga matin­ding tampo. Mukha namang may miscommunication lang silang dalawa, actually monthly raw silang nagkikita dahil sa   inaabot niya kay Benjie.

Mukha namang sincere si Ejay nang makausap ko, at baka nga ‘tampong bading’ lang naman ang nararamdaman ni Benjie kaya baka kailangan lang intindihin.

Ang sarap ngang makita na ang alaga mo umaasenso, nagiging maganda ang buhay.

Siguro nga happy rin si Benjie na nakikitang maganda na ang buhay ngayon ni Ejay at guma­ganti naman ng utang na loob by way of giving him a ‘monthly’ lucky envelope, sapat na siguro ‘yung patunay na hindi naman pinutol ni Ejay  ang tali na nagbibigkis sa kanila ni Benjie.

Bongga.

Mayor Enrico, ‘di marunong tumanggi

Isa na yata sa pinakamabait na tao na nakilala namin ay si Mayor Enrico Roque ng Pandi.

Hindi ko ma-imagine na si Mayor Enrico sumasagot ng ‘hindi’ sa isang taong may hinihiling sa kanya. Talagang napaka-softhearted niya na lahat halos gusto niyang pagbigyan para walang sumasama ang loob sa kanya.

Kaya naman napakasuwerte ng Pandi na nagkaroon sila ng isang Enrico Roque na anak ng lalawigan na talagang nagmamahal at ang puso ay nasa lalawigan talaga. Basta mabait ang isang tao, you always remember them with a smile on your lips, ganyan si Mayor Enrico Roque, tuwing maaalala mo napapangiti dahil magagandang bagay ang naaalala mo tungkol sa kanya.

vuukle comment

EJAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with