^

Pang Movies

Alden, walang planong ilaglag ang Bulaga!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Alden, walang planong ilaglag ang Bulaga!

Walang balak sumama si Alden Richards sa bagong pamunuan ng Eat Bulaga kung hindi rin lang daw niya makakasama sina Tito, Vic Sotto & Joey de Leon.

Ito ang kinumpirma ni Cristy Fermin sa kanyang vlog with Romel Chika at katotong Wendel Alvarez.

Ayon kay Nay Cristy ay nakausap niya raw si Alden kamakailan hinggil nga sa estado ng Eat Bulaga. “’Eto po ang totoo at ito ay sa akin niya (Alden) talaga sinabi. Na anuman daw po ang offer na ibigay sa kanya ng bagong pamununan ng Eat Bulaga, hindi siya sasama,” pagbabalita ni Nay Cristy.

Ayon pa sa batikang manunulat, mukhang ito raw ang gagawing main host ng EB kasama sina Wally Bayola, Allan K at Jose Manalo.

Napakalaki nga raw ng utang na loob na tinatanaw ni Alden sa EB at TVJ na siyang nasa likod ng big success nila ni Maine Mendoza na nagsimula nga nang pagtambalin sila show at magkaroon ng AlDub loveteam.

Hinding-hindi raw makakalimutan ni Alden ‘yun at forever na tatanawin ng aktor.

Tama lang naman daw ang desisyon na ito ni Alden at sey nga ni Nay Cristy, lalong tumaas ang pagtingin niya sa aktor nang sinabi ito sa kanya

Besides, magiging negatibo rin daw ang dating ng aktor kung hindi siya sasama sa mga dating kasamahan especially nga ang TVJ kung aalisin ang mga ito sa noontime show.

Si Maine naman daw ay nakaplano na rin daw talagang umalis since malapit na itong ikasal kay Arjo Atayde.

Well, magkakaalaman daw sa April 15 sa gaganaping malaking presscon ng EB kung ano ba talaga ang mangyayari sa show.

YASSI, ayaw patusin ang kanegahan

Sa gitna ng katakut-takot na pangba-bash ngayon sa relasyong Issa Pressman at James Reid, naglabas ng kanyang saloobin tungkol dito ang nakababatang kapatid ng una na si Yassi Pressman.

Sa kanyang social media accounts ay nag-post si Yassi ng hugot tungkol sa aniya’y “fake conspiracies” para manakit ng tao.

“Just don’t agree with people making fake conspiracies only to hurt other people. lets stop being only opinionated, but try harder to be educated with facts.”

Sa kanyang Instagram page naman, she wrote, “smiling cause you don’t know anything about our personal relationships.”

Patuloy niya, “kung maka-judge!!”

Sinabi rin ng aktres na lilimitahan na raw niya ang comments sa kanyang page.

“Baka rin i-limit ko ang comments section kung may hurtful words, I only welcome positivity, love & kindness here. Peezawt,” she wrote.

Sinuportahan naman siya ng kanyang fans at sinabing huwag nang pansinin ang toxic netizens pero ang dami pa ring hate comments at sinisisi pa siya ng iba dahil kinunsinti raw niya sina Issa at James kahit kaibigan niya si Nadine Lustre na ex-girlfriend ng aktor.

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with