^

Police Metro

Duterte muling nagbanta police power gagamitin sa ayaw magpabakuna

Malou Escudero - Pang-masa
Duterte muling nagbanta police power gagamitin sa ayaw magpabakuna
Ito ang muling pagbabanta ng Pangulong Duterte na anya sa mga ordinaryong araw na walang pandemya ay hindi nakialam ang gobyerno at hindi namimilit ng kahit anong relehiyon o paniniwala na gawin ang isang bagay.
Philstar File

MANILA, Philippines — Gagamitin ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang police power ng gobyerno sa mga ayaw magpabakuna laban sa COVID-19.

Ito ang muling pagbabanta ng Pangulong Duterte na anya sa mga ordinaryong araw na walang pandemya ay hindi nakialam ang gobyerno at hindi namimilit ng kahit anong relehiyon o paniniwala na gawin ang isang bagay.

Pero, ibang usapan aniya kung ipalagay sa panganib ng mga ayaw magpabakuna ang buhay ng mga mamamayan.

Ayon kay Duterte, taliwas sa opinyon ng iba, maaaring pilitin ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna.

Pinalalayas din ni Duterte sa serbisyo ang mga nagsisilbi sa gobyerno, pero ayaw magpabakuna.

“And therefore I said, contrary to the belief or opinion of others, I --- opinyon ko lang ‘yan --- can compel you under the police power of the state. Tama ‘yan sa gobyerno, ayaw mo magpabakuna, umalis ka. Go out of go­vernment,” ani Duterte.

Mapanganib aniya ang mga taong gobyerno na ayaw magpabakuma dahil humaharap sila sa mga mamamayan.

Binanggit din ni Duterte na maaring pakialaman ng pulisya ang pribadong buhay ng mga ayaw magpabakuna dahil sa kanilang paniniwala dahil puwedeng sila ang magpakalat ng virus.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with