^

Bansa

P2.1 bilyong ayuda laan ng DSWD sa maaapektuhan ni ‘Betty’

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naglaan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng may P2.1 bilyong halaga ng ayuda para sa mga maaapektuhan ng super typhoon Betty sa bansa.

Ayon sa DSWD, nakahanda na rin ang may mahigit isang milyong food packs na ipapamahagi sa mga masasalanta ng bagyo.

Sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na ang ginagawang paghahanda ay bilang tugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ihanda ang mga relief items sa iba’t ibang bahagi ng bansa bilang augmentation support sa mga local government units (LGUs) na maaapektuhan ng bagyo.

Ayon kay Gatchalian, ang DSWD at kanilang Field Offices (FOs) ay nai-prepositioned na ang food at non-food items (FNFIs) sa mga strategic locations at warehouses sa iba’t ibang rehiyon gayundin sa DSWD National Resource Operations Center at Visayas Disaster Resource Center.

Pinasalamatan din ni Gatchalian ang Department of National Defense (DND), Pagasa at DOST sa pakikipagtulungan sa ahensiya para mapadali ang kanilang ginagawang relief operations.

Ang DSWD ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang LGUs para pagtulungan ang paglalaan ng tulong sa mga maaapektuhang mamamayan dulot ng bagyo.

vuukle comment

DSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with