^

PM Sports

March madness

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Ayan na ang climax ng March Madness — ang sikat na taguri sa US NCAA basketball tournament.

Kasado na ang Final Four kung saan tatlong newcomers ang sasalang sa bakbakan sa Houston sa Linggo (Lunes sa ating oras).

Tanging ang UConn ang old timer at sasagupain nila ang Miami Fl.

Maghaharap naman sa kabilang semifinal match ang Florida Atlantic at San Diego State.

Sa pagragasa ng March Madness sa US, siguradong marami ang mararamdaman ang pagkauhaw sa parehong kaganapan sa Philippine basketball.

Maaalalang muli ang nabaon sa limot na national inter-collegiate basketball — magandang programa na basketball party para sa lahat ng magagaling na collegiate teams sa buong bansa.

Ito ang nagbibigay ng tsansa sa mga non-UAAP at non-NCAA teams na makaharap ang mga pambato sa dalawang liga.

Ito ang pagkakataon na puwedeng mapanood ang mga bigatin sa Cebu league na harapin ang mga Manila-based giants.

Sa pagkawala ng national inter-collegiate, humalili ang Champions League, pero natulog na rin ang ligang ito.

Kaya’t kahit tumatakbo ang UAAP, NCAA, CESAFI ng Cebu at iba pang collegiate leagues, masasabing may vacuum sa Philippine basketball — isang liga na mag­dedetermina ng kampeon ng Philippine collegiate basketball.

Memorable sa akin ang early 80s kung saan klasiko ang labanan ng Arellano U na pinangunahan nina Willie Pearson at Joey Loyzaga, Letran nina Samboy Lim at Romy Ang, San Jose Recoletos nina Jojo Lastimosa at Dondon Ampalayo at UV nina Anthony Mendoza at Al Solis.

vuukle comment

NCAA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with