^

Pang Movies

Baby Peanut nina Jessy at Luis, biktima agad ng fake news

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pang-masa
Baby Peanut nina Jessy at Luis, biktima agad ng fake news

Unti-unti nang ipinapakita ni Jessy Mendiola ang mukha ni Baby Peanut at kasama sa ipinakita ang eyes ng baby na nakasara at ang mahahabang eyelashes muna ang kanyang ipinakita. Sunod na ipinakita niya ang kaliwang cheek ng anak na tulog pa rin at may caption na “I love you anak.”

Sa isa pang picture ni Baby Peanut na tulog na pa rin, masisilip ang lips at parte ng ilong. Walang diperensya ang lips ng bata at fake news ang ikinalat ng isang vlogger na may diperensya ang labi ni Baby Rose.

Pasalamat ang vlogger na hindi pa nababasa ni Luis Manzano ang pamba-bash niya kay Baby Peanut at makakatikim siya. Si Jessy, kalmado lang sa mga comment kung bakit hindi pa nila ipinapakita ang mukha ng baby nila, pero si Luis, sumasagot at laging may pasabog na pambuwelta.

Binisita pala namin ang Instagram ni Jessy at may latest post siya kay Baby Peanut na gising at naka-zoom sa mata nito. Maganda ang mga mata ng baby, hindi black ang cornea nito, parang gray na may pagka-green. Bongga ang mga mata nito!

Dra. Belo, dinepensahan si Alex

Iniwas ni Dra. Vicki Belo na ma-bash si Alex Gonzaga dahil sa post niya patungkol rito, naka-off ang comment box. Maganda pa naman ang post ni Dra. Belo na kung saan, tinawag niya itong “my daughter.”

Puro pa papuri siya kay Alex na dinescribe niyang “amazing woman, smart, kind, generous, loyal at loving.” Siguradong maraming sasabihin ang netizens sa post na ito niya, kaya lang naka-off ang comment box.

Hindi rin sila makapag-comment sa Instagram ni Alex dahil limited ang puwedeng makapag-comment. Hindi tuloy malaman ng netizens kung saan sila pupunta para ma-bash ito.

Hindi lang si Dra. Belo ang parang dumepensa kay Alex, pati ang isang director na nakatrabaho niya sa TV5. Mabait daw ito sa staff at kabaligtaran sa mga nasulat at nabalita ang mga ginawa nitong kanyang nasaksihan.

Zanjoe, hinanap sa serye nina Jodi at Richard

Naglabas ng teaser ang GMA Network ng cast ng Unbreak My Heart, ang first collaboration ng ABS-CBN at GMA Network. Pinahulaan kung sino ang apat na major cast ng series at obviously may ilang hindi pa nabalitaan na kasama nina Jodi Sta. Maria at Richard Yap sina Gabbi Garcia at Joshua Garcia dahil may nag-akalang si Zanjoe Marudo ang isa pang kasama.

Kinantyawan ang netizen na nag-akalang si Zanjoe ang isa sa major cast, nasaan daw ba siya at hindi alam ang nangyayari sa showbiz. Ang advice sa kanya ay panoorin ang cast reveal today, Monday, kung sino sa dalawa ang isa sa major cast ng Unbreak My Heart.

Malalaman din kung kailan lilipad pa-Switzerland sina Jodi at Richard dahil doon kukunan ang ilang eksena ng series. Kasama rin sa ire-reveal ang iba pang cast ng sinasabing momentous event na ito at ipakikilala ang director na si Manny Palo.

Hindi natupad ang wish ng fans na si Cathy Garcia-Molina ang maging director ng project para raw tatlo ang Garcia na involved sa Unbreak My Heart.

Kasama sa collaboration ng ABS-CBN at GMA ang Viu, kaya mapapanood din ito sa nasabing streaming app. Iba ang partnership na ito sa pinirmahan ng GMA at ng Viu para sa The Write One nina Ruru Madrid at Bianca Umali at Love Before Sunrise nina Bea Alonzo at Dennis Trillo.

vuukle comment

LUIS MANZANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with