^

Police Metro

Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba ng bahagya

Angie dela Cruz - Pang-masa
Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba ng bahagya
The last time the DOH documented more than 8,000 cases was on May 2 when 8,346 cases were recorded.
Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng OCTA Research Group na bumaba ng bahagya ang reproduction number ng COVID-19 o hawaan sa National Capital Region (NCR) kung saan mula sa 0.36 noong Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2 ito ay nasa 0.35 na lamang para sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 5 na sakop.

Kung ikukumpara naman sa kaparehong panahon noong nakaraang taon, lubhang mas mababa ito dahil noong 2020 ay mayroong 0.92 na reproduction number ang NCR.

Matatandaan na ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay na­ngangahulugan ng pagbagal ng hawaan ng virus.

Mas mababa rin umano ayon sa OCTA ang average new cases na naitatala araw-araw ngayong taon na nasa 112 lamang kumpara sa 370 noong nakaraang taon.

Bagama’t walang pagkakaiba sa testing rate sa NCR, di hamak na mas mabuti na ang ipinapakita ng mga indicators nila sa taong ito.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with