^

Probinsiya

26 utas sa COVID-19 sa Cagayan sa loob ng 24-oras

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
26 utas sa COVID-19 sa Cagayan sa loob ng 24-oras
Ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office kahapon, umabot sa 26 katao ang nasawi nitong Biyernes, Agosto 20 kung saan 14 dito ay mula sa Tuguegarao City.
STAR/ File

TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines —  Naitala ng lalawigang ito ang pinakamataas na bilang ng nasawi sa loob lamang ng isang araw o 24-oras dahil sa pandemya dulot ng COVID-19.

Ayon sa ulat ng Cagayan Provincial Information Office kahapon, umabot sa 26 katao ang nasawi nitong Biyernes, Agosto 20 kung saan 14 dito ay mula sa Tuguegarao City.

Umakyat din sa 442, ang pinakamataas na bilang ng mga nagpositibo sa loob ng isang araw na karamihan ay mula pa rin sa Tuguegarao City habang ang ibang nagpositibo ay mula sa 24 na bayan sa lalawigan.

Ang Tuguegarao City ay isinailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) simula noong Agosto 12 na nagtapos kahapon, Agosto 21 dahil sa biglang pagtaas ng kaso ng mga nagpopositibo sa virus. Sa loob lamang ng 9 na araw,  umabot sa 101 ang naitalang nasawi sa buong lalawigan.

Sa kasalukuyan, nasa 3,562 ang aktibong kaso sa buong Cagayan habang 668 ang mga nasawi. Mahigit sa 160 detah cases sa nasabing bilang ay naitala nito lamang buwan ng Agosto.

Samantala, kinumpirma ng Cagayan Valley Medical Center (CVMC) na nakabase sa lungsod na ito na lampas 102 na ang mga empleyado ng hospital ang nagpositibo sa nasabing virus.

Ayon kay Dr. Glenn Matthew Baggao, hepe ng CVMC, ang mga nagpositibo ay kinabibilangan ng mga nasa Accounting, Budget at Finance Departments ng hospital kabilang na rin mga health workers na karamihan ay nahawa sa kanilang mga pasyente.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with