^

Bansa

Krimen bumaba sa gitna ng pandemya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ng 46.66% ang crime rate sa buong bansa simula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año, batay sa comparative data na 183 days bago at matapos ang community quarantine, lumilitaw na ang index crime volume ng bansa ay bumaba ng mula 31,589 sa pagitan ng Setyembre 15, 2019, hanggang Marso 16, 2020, ay naging 16,849 na lamang mula Marso 17 hanggang Setyembre 15.

Base naman sa datos mula sa Philippine National Police (PNP), lahat ng walong focus crimes ay pawang bumaba rin sa kahalintulad na panahon, kabilang dito ang carnapping ng motor cars (65.3%), robbery (61.36%), theft (60.04%), carnapping ng motor vehicles (60.3%), physical injury (37.35%), homicide (24.78%), rape (24.27%) at murder (21.22%).

Sa naturang bilang aniya, ang theft o pagnanakaw ang nakapagtala ng pinakamataas na volume na nasa 10,489 habang ang carnapping of motor vehicles ay nakapagtala ng pinakamababang bilang na nasa 86.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with