âNoodles: A Long Talkâ
Tower of Pasta — In the Eighties, kami ni Danee Samonte dined at Wolfgang Puck’s Spago in Los Angeles. Si Wolfgang pa mismo nagsabi sa amin na ang ‘spago’ is a strand of spaghetti. Wow, they have respect for their food! Imagine ipinangalan pa sa restaurant! Sa atin ang itatawag dun ay Tira, Mumo, Dumi, Kalat!
‘Noodles: A Long Talk’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - July 5, 2020 - 12:00am

Madalas mabanggit na nang dahil pandemya,

Naranasang muli simpleng buhay kumbaga

Na “new normal” sa atin ipinakilala,

Nabuhay din sa atin ang buhay ng iba!

Ang nais na sabihi’y ang atin bang kapwa,

Kapakanan nila’y atin ding inalala!

Kaya pag-iingat nating ipinakita

Ay para na ring sa kaligtasan ng iba!

Sa panahon ay yumaman tayo talaga!

Kung alam gamitin pagkabugnot ‘di kasya!

Basta ang isip mo ay puno ng pag-asa,

Kalakip ay dasal, may matutuklasan ka!

May bagay sa iyo’y biglang magpapasaya!

Kung minsa’y masasambit iyo nang nakita!

Sa ganito “masayang kaba” nadarama

Kaya Ang Poet Nyo sinusulat agad sya!

Maaaring noon ay iyo nang nabasa,

O maaaring ikaw mismo na’y nadama,

Tanggapin mo na lang na isang paalala

At ito sa pagtanda mahalagang dala!

Katulad tungkol Tagumpay eh ano nga ba?

Natanong isang Lola ang kanyang ideya,

“Paglingon sa buhay mo’t mga alaala

At mapangiti ay isang tagumpay na!”

Kadalasan ang payak yun pa ang maganda,

Kaya sa simpleng buhay ngayon ay magsaya!

Pag nagbabad kayo sa Koreanovela,

Kahit Hari at Reyna Noodles lang ayos na!

Mula nung La Cuarentena ay nag-umpisa,

Sa umaga at gabi na’y Kimchinovela!

But wait there’s more! Meron pang Tempuranovela!

But again, happy basta naka-Ramen sila!

Kaya sa iba dyan ako ay nagtataka

At ang binanliang noodles ay minamata!

Tandaang pag birthday yan palagi ang bida!

Pag may sakuna donasyon yang nangunguna!

Op kors ang noodles nanggaling ng China muna

(Dun naman daw lahat galing ‘tapos kalat na!)

Ngek! Instant noodles sa Japan, Korea dinala!

Nag-Ramen ang Hapon, nag-Ramyun ang Korea!

Lamian sa Tsina tawag nung una nga pala

Subalit tunog Lamayan napansin nyo ba?

Eh ang noodles para nga sa “long life” ideya

Kaya tawag na yan hindi na sumikat pa!

Kaya Pansit Na May Sabaw na nakilala,

Pansit from “pian e sit” na fastfood meaning pala,

At nabago’t naging Mami na ang istorya!

Syempre si Mami may ka-loveteam pang Siopapa!

Ang imbentor ng Cup Noodles kilala nyo ba?

Isang Momofuku Ando ang pangalan nyo,

Hindi totoo tsimis ng sya’y matigok na —

Binusan ng mainit na tubig lamang sya!

Ngunit ang Pilipino malupit talaga,

Pinakamaraming klaseng noodles tayo pa!

Pagdating sa “for long life” umabuso nga ba?

Eh kasi raw “Mabuhay!” ang sinisigaw nya!

Debate kung sino ang nauna talaga

Magpahanggang ngayon hindi natatapos pa!

Pagkat hindi pumapayag bansang Italya!

Sabi ko kalimutan na … Pasta Is Pasta!

Basta, ipagdasal natin sa ating Ama

Na kaawaan tayong mga anak Niya,

At sa kapangyarihan Nya ay matapos na

Pandemyang ito nang mapawi na pangamba … Ramen!

JOEY DE LEON
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with