^

Entertainment

‘Descendant of Busan’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Descendant of Busan�
One of the reasons why I love Korea especially Jeju Island — their CRAB MENU-TALITY! Basta, I like their three countries — South Korea, North Korea and Kingdom of Corea!

Tunay ngang maituturing nangyaring ito

Na ang Pandaigdigang Digmaang Pangatlo!

“Nasaan ang baril?” tanong ng pilosopo,

Yun na yung tinatapat sa mga noo nyo!

At sa bawat digmaan ay may mga tao

Na tatanghaling mga bayaning totoo!

Higit hindi lang kanilang mga serbisyo

Kundi maging sariling buhay alay dito!

New Normal o Bagong Katotohanan ito?

Bagong Buhay masasabi ng Ang Poet Nyo!

At katulad ibang “buhay” … tuloy lang tayo!

Tiyak din na ilang gawi ay magbabago!

Tulad pagsusuot ng face mask sigurado

Magiging pirmihang dala-dala na ito

Ng mga tao para na ring cellphone ninyo!

Magandang regalo sa darating na Pasko!

At ang isa pang nakasisiguro tayo —

Madadagdagan na naman ang mga kwento!

Mga nakaraan babalikan ng tao!

Paghubog kasaysayan sa mga mata nyo!

At sa dahilang pagbyahe pa’y limitado,

Kahit ikaw pa’y may-ari ng eroplano,

Sariwain mo na lang sa mga litrato

Mga bansang problema rin nati’y pareho!

Pag ubrang lumipad na muli mga tao,

Japan, Hong Kong — Macau pa rin ang aking gusto!

Ngunit dahil quarantine may konting pagbago —

Sa South Korea mas naging interesado!

Napuntahan ko na naman ang bansang ito

Pero noon tama na yung minsan sabi ko!

Wari ko kasi’y masakit ang lamig dito,

But after watching some K-shows … Annyeonghaseyo!

Napuntahan ko na rin nga pala ang Jeju!

Dun kumain lang ng higanteng alimango!

Pero pagkatapos ng pandemic na ito,

Kahit may zombies pa Busan pupuntahan ko!

Nung May 3 Lifestyle Section ay may artikulo —

“After lockdown what is the first thing you want to do?”

Pagpunta sa Busan kung tatanungin ako!

Subalit may isa lang na dito ay tatalo!

Apatnapung Simbahan Bibisitahin Ko!

Bakit Forty? Eh kasi Twenty-Twenty tayo!

At saka nagawa ko na nung araw ito!

Nung nag-Cuarenta ako nung 19_ _ ewan ko!

Nung ang Eat nag-Apatnapung Anibersaryo,

Ginawa ko nun Camino de Santiago!

Church of Saint James sa Spain ang simbahang tinungo

At nilakad ko … Apatnapung Kilometro!

Sa Forty churches now na bibisitahin ko,

Kung lahat sa Pinas ‘wag nyong asahan ito!

Sa tagal naka-Stay At Home ng Ang Poet Nyo,

Bayaang dumaan ng immigration ako!

Pwede ring ituloy sa South Korea ito!

Halos Six Million dito mga Katoliko!

Alam ng wife kong si Eileen at birthday nito

Kasabay ng Feast ni Kim Taegon … si Saint Andrew!

Noong araw meron tayong Andres Soriano,

Sila rin naman dun merong Andres Koreano!

Sya kauna-unahang paring Katoliko!

Bakit sa mga ito dugo’y lumulukso?

Jose de Leon ang tunay na pangalan ko

In short, Joseon! Last Dynastic Kingdom dito!

Five Centuries nag-rule ang kahariang ito!

Ano’ng malay nyo … Descendant Of Busan ako!

vuukle comment

JOEY DE LEON

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with