âMy Funny Quarantimeâ  (Tough Hits Pa More!)
Black & White — Ang pinag-uusapan dito ay Buhok! At dahil nami-miss ko nang mag-travel, lagyan natin ng Time Difference yung dalawang pictures. Clue: 50 years!
‘My Funny Quarantime’ (Tough Hits Pa More!)
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - May 10, 2020 - 12:00am

Ano? Magwa-WALONG LINGGO na pala tayo!

Eh baka pag nawala na virus na ito

Ay maging Tough Hits National Artist na ako!

O eh di tuloy Tough Hits kung ‘yan ang gusto n’yo!

(To the tune of Santa Clara Pinong-Pino)

‘Tong si Pablo pilyong-pilyo

Pabling talaga’t babaero

Ang kabit nya’y labintatlo

Sukong-suko na misis nito!

Pero nun daw isang linggo

Itong si Pablo ay inubo

nagpasya agad misis nito

Pina-cremate agad si Pablo!

*  *  *

(To the tune of My Funny Valentine)

My funny quarantime

Not quaran-tin but quaran-time

Sa kwarto lang all the time

My looks are laughable

Taong grasa bable

Kung may tunog ay sound ng fart

No more figure after four weeks

Busy ang mouth sa kaka-eat

When I open it to speak

Puro burp

And it’s back long hair for me

Not black but white for me

I need some Valentine hey

Means hair needs nang magtina okay?

*  *  *

(To the tune of Sitsiritsit)

Galit-galit social distance

Tigil muna ang lambingan

Para distance madali lang

Paliligo ay iwasan

May isa pa pong paraan

Kaya nga lang forever ‘yan

Si mister aamin lang

Na may kinalolokohan!

*  *  *

(To the tune of My Way)

And now the end is near

Sa mga teleserye natin

Because it’s very clear

Social distance dapat i-maintain

No shouting, no sampal

Baka humagis pa ang laway (la-wey)

Much more pag merong kiss

Mas merong laway (la-wey)

Pwede pa siguro

Naka-zoom pag may confrontation

Walang judo-taekwando

At suntukan basta sa action

 

Gunfight pwede of course

Kaya first EP pa lang ay patay (pa-tey)

Lahat pero at least

There is no laway (la-wey)

And there are times

I’m sure you know

Pag eating scene syempre magchu-chew

Pa’no kung dila’y makagat

Masagwaan and spit it out

Kung ang kuhol

Lasang katol

Tulo ang laway (la-wey)

Ke love, ke laugh, ke cry

Maglalaway kahit anong scene

Pa’no kung musical

The cast and all will be singing

Laway sasambulat

Lalo’t birit, kalat ang laway (la-wey)

Ano mangyayari

Kung puro laway (la-wey)

O pa’no ang pag-iingat

Magkakahawahan lahat

I’ll say something I truly feel

Para no words ang mga scenes

No dialogue, bibig ay closed

Safe na sa laway (la-wey)

Telesenyas is the way!

*  *  *

(To the tune of Ipagpatawad Mo)

Ipagpatawad mo

Ikaw muna’y layuan

‘Wag mong isiping

Ako’y nababahuan

Alam mong tayo na ngayon ay may new normal

Kaya tayo muna ay maglayo-layo

Kung kiss ang gusto mo

Ipa-flying kiss ko na lang!

Pag nagsayaw nga

Mag-isa ka na lamang

Beso-beso nga ngayon ay binabawal

Sa mga movies malamang ang mga tagpo

Pag nag-lips to lips may plaster mga nguso

Hintay na lang tayo

Pag ni-lift na ang lockdown!

*  *  *

(To the tune of Ang Sabi Ng Iba/Santa Clara Pinong-Pino)

Ang sabi ng iba

Buhay natin ngayon

Tawaging new normal

Pero ayoko nun

Baka merong isang

Utak may impeksyon

Biglang magtanong kung

May new abnormal ba?

(Santa Clara)

Gusto ko’y new reality

Mas disente pag sinabi

Mawala lang itong peste

Kahit anong new na ay pwede!

Abaruray, abarinding

Anong ‘new’ ba pipiliin?

Sumasakit na ang ulo

Dahil sa pu_ _ _ _  in _ _ _  new!

JOEY DE LEON
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with