He will always be with us!
‘Pandengek!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - April 5, 2020 - 12:00am

Tatlong linggo na akong naka-isolation

Wait, mas maganda yata quarantine pakinggan!

Yung una kasi parang ang dating ay Dungeon!

Quarantine medyo mahinhin at mahinahon!

Porque Cuarentena ay isa ring tradition

Ng mga Kastilaloy after labor union!

Actually, union muna bago mag-labor ‘yon,

Forty days no siping, breastfeeding lang sa newborn!

Kaya si mister muna ay Asawa-Lation!

Relaks muna pare at ikaw’y huminahon!

Para lang Lent o Cuaresma merong abstention!

Phallus pass muna ops, Palaspas pala ngayon!

Nitong mga huling nakaraang bakasyon

Lalo’t Holy Week simula ng araw ngayon —

It’s Palm Sunday today and for your information,

For the first time ay may Palaspas cancellation!

Ngek! Yan na kasi “tradisyon” ko taon-taon —

Iba-iba aking Palm Sunday destination!

East Coast, Amalfi Coast, at all costs ibang nation!

Pero ngayon cancelled pa kung kelan staycation!

Hosanna at home na la’t wagayway ng dahon!

Mawawala lang Holy Water na bendisyon,

At yung Pabasa naman you can do it alone

At Basa lang talaga kahit wala nang tune!

Eh kasi nga buong mundo nag-coronation!

At dahil dyan tigil ang transportation!

Kahit nga sa pinakamalapit na Hong Kong…

Nganga! Naka-quarantine lahat and just Stay Home!

That’s why this year’s Holy Week may konting variation

Lalo na pagdating dun sa Fourteen Stations —

Fourteen Corners of your house magagamit ngayon!

Para kang may house blessing! Congratulations!

Ang Visita Iglesia rin ay sa home sweet home!

Mga altar lang sa bahay ay dadamihan!

Washing of the Feet hindi rin magkakaroon,

Washing of the Hands mas importante sa ngayon!

Ito na Holy Week mahirap malimutan

Ng buong daigdig at ng sangkatauhan!

Nakaukit na ba sa ating kasaysayan —

Yun bang walang nagbakasyon… Yes, ito lamang!

At kapag lahat ito’y ating nalusutan,

I am sure may bago na namang kaguluhan —

Ticket sa eroplano panic buying naman!

Upang lahat magliparan kung saan-saan!

Pero pwede ba bago kayo magsaya dyan,

Alalahanin muna’t ating pagpugayan

Mga OFW… iba na meaning nyan —

Our Frontline Warriors! Buhay natin pinaglaban!

“Mga Bagong Bayani” sa kanila’y kulang!

Mga Kordero Ng Dios ang tamang pangalan!

Sinakripisyo nila kanilang katawan

Para kapakanan ng mga kababayan!

Nakakatawa’t nakakainis na naman

Ang mga pangyayari nitong nakaraan —

Sabihan mang maglagi na lang sa tahanan,

Layasan pa rin at galawan nang galawan!

Kahit takutin pang delikado sa buhay,

Pasyalan nang pasyala’t talagang pasaway!

Kaya isang puneyarya advertisement ay

Simple lamang: “Stay At Home Or Stay With Us!” Inayyy!

Sa Pampanga naman may isang variation —

Nilalagay sa kalye ang isang kabaong!

At may nakasulat sa paligid ng kahon —

“Stay At Home Or Stay Inside!” mababasa roon!

Basta ang mahalaga ngayon ay Stay Calm!

Palitan natin ang Pan ng pandemic ng Fun!

And smile din your best and God will do the rest naman!

Well… kung ngek talaga… have fun until kingdom come!

JOEY DE LEON
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with