Sa darating na Holy Week hindi tayo masyadong magtatampo kay Pontius Pilate kasi naging masunurin sya in this time of crisis… HE WASHED HIS HANDS! Wala nga lang soap pero SINABON naman nya yung mga alipores nya nang malamang MATINDI pala yung hinusgahan nila. Kaya mula noon nauso na ang “BAWAL JUDGMENTAL!”
‘COVID you are just contravida Ang DIOS CO VIDA!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - March 29, 2020 - 12:00am

Nung quarantine sa ikatlong araw pa lang nya,

Waring hati na ang isip ko sa dalawa —

Ang isa’y patuloy pa rin na umaasa…

Kabila’y naghahanda sa katapusan na!

Ngek! Bakit hindi’t halos nagpapantay na ba

Pagkakataon ng maralita’t maykaya!

Kung tutuusin mas rich ang mga biktima!

I did not hear a positive na taong grasa!

Sa bawat digmaan may bayani talaga!

Sa pagkakataong ito’y marami sila —

Mga health workers and frontliners nangunguna!

Pulis at sundalo, pagkain nagdadala!

Naisip din sa isang banda alam nyo ba —

Effect sa mental health ng quarantine sa iba,

I think ang nabaliw at na-depress nang sobra

Ay yung mga bashers na basura! Ha, ha, ha!

During quarantine may mga afraid talaga!

Ayaw mag-roam kahit bakuran o veranda!

Basta kwarto lang at Quartotine tawag nila!

Room Less Risk kaya naging humorists yung iba!

Kesyo check your aircon at baka Carrier ba!

Ngek! O hindi ba henyo at nakakatawa?

‘Di nagpatalo Ang Poet N’yo at bumwelta,

“Pandesonic yung aircon ko!” sagot sa kanya!

At dahil maraming time mag-isip kumbaga,

Aba’t piniga pa nang husto ang pakwela

At hinirit pang baka Hitachoo yung iba!

Laughter’s medicine during quarantine talaga!

Meron pa nga dyang nagturistang ala-Berna,

“It is more fun in the Quarantine!” ang birada!

Visit our Tako Beach or see Cuarto Princesa!

Hanggang buong bahay nila’y maipakita!

But there is one I posted nang napakaaga

Sa gitna ng maraming mga paalala —

Para kasing asiwa kung gawing advice sya —

Ang sabihin ngayong Be Positive hindi ba?!

Ngek! But may isang ‘wag kayong maniniwala —

Babalik agad sa TV ang Eat Bulaga!

Title nga lang sounds like nung dating nakabangga —

“Student Quaranteen” ang pamagat daw yata!

Sumagi lang sa isip ko’t ako’y natawa,

Taon ngayon ay Veinte-Veinte, pag sinuma,

Cuarenta at Eat Bulaga edad ganyan na!

Ngayon kaming lahat naka-La Cuarentena!

Well, just like tumapat na iba… gone din sila!

Remember COVID you are just a contrabida!

At the end of day… o ano end? Why hindi ba?

Sapagkat kahit na kelan… Ang DIOS CO VIDA!

JOEY DE LEON
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with