TVJ sculpture by Matthius Garcia
‘Joscoronavirusmaryosep!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - February 16, 2020 - 12:00am

Habang pinag-iisipan pa sa Kongreso

Na ibalik as a separate subject ito —

Ang Good Manners and Right Conduct sa curriculo,

May nangyari’t waring bill biglang aprubado!

“Wash your hands before and after eating” part nito,

“Cover your mouth and nose pagbahing at pag-ubo!”

But now na lahat ganito dahil sa you know …

Joscoronavirusmaryosep na buhay ‘to!

Lahat nabigla at hindi magkandatuto!

At lahat ay ninerbyos sa bagong mikrobyo!

Sa bilihan ng face mask ay nagkakagulo!

May namakyaw pa at ibinentang patuso!

Hindi kaya maging bahagi na ng uso

Pagdating ng panahon ang face mask na ito?

At malamang nyan makakakita na tayo

Sa tapat ng bibig Louis Vuitton na logo!

At pag nangyari may mawawala sa uso

Ngek! Ang mga lipstick kalimutan na ninyo!

Ops sandali, ang kinakabahan lang ako —

Baka tamarin na iba na magsepilyo!

Actually pag may face mask make-up na ay no-no!

Pwede ka na ring hindi magpa-Vicki Belo!

Makakatipid ngunit ang masaklap dito —

Ang wacky sa selfie wala na ring epekto!

Dahil sa virus mga tao’y suspetsoso,

Mga reaksyon sa “kadiri” ay nabago!

Wag lang may masamid nandidilat na ito!

Mabuti pang mautot ka kaysa maubo!

At pag nagpatuloy pa ang mga ganito,

Magiging halos pantay-pantay na ang tao!

Mayaman at mahirap litaw lang ay noo!

Pagnguya we don’t know kung tuyo o adobo!

Minsan naiisip ko sa usapang seryo —

Pagpapaalala lang ang mga ganito

At baka may nakakalimutan na tao,

VIRUS ay ang VIR-gin Mother at Jes-US ito!

At tandaang may CORONA sila pareho!

At wag kayong ano at kanya-kanya tayo!

Aba eh kung dehins naniniwala kayo,

Takpan nyo na lang ng face mask mga bibig nyo!

Wala pang ginagawang movie tungkol dito,

Ang hinihintay ko ay “The Face Mask of Zorro!”

At kung Tough Hits ng Tito, Vic & Joey ito,

Eto ang isa sa himig ng “Bahay Kubo!”

Bahing, ubo

Kahit konti

Hala ang germs doon ay

sari-sari

Put ka mask sa ilong

Sa bibig mo madali

‘Di na buking ang bungi

Don’t cough lang basta

Utot mas okay pa

Ang problema nga lang

Pag merong sumama

Relaks lang, don’t panic

Lilipas din sya

Sapagkat ang virus  

Lang ay made in China!

JOEY DE LEON TVJ
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with