^

Entertainment

‘Merry and many, many Christmas!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Merry and many, many Christmas!�
From the Dabarkads, a Merry, Merry, Merry Christmas and Many, Many, Many Thanks!

Sa Miercoles ang Eat Bulaga alam nyo ba

Ay magpapasko nang pang-apatnapu't isa?!

Ngek! Eh ano pa nga ba ang masasabi pa

Kundi Merry and Many, Many Christmas to ya!

Sa isang Linggo ang ibig sabihin ba n’yan

Babatiin kayo ng “Happy New Years!” naman?

Ang mahalaga tayong lahat nagdiriwang

Sa tuwing sasapit ang Kanyang kaarawan!

Ang pagsapit ng bawat bagong taon naman

Ay Kanyang handog na ating pasalamatan!

At mula muli sa aming palatuntunan,

Thank you very much for this very, very long run!

At dahil pinag-uusapan natin dito

Ay napakarami’t sangkatutak na pasko,

Pabayaan ninyong minsan pa Ang Poet N’yo

Na balikan mga Christmas with Lolo Mundo!

My Lolo Mundo is the Tatay ng Mama ko,

I would like to think peborit nya akong apo!

Dahil sa tuwing si Joey Boy ay magulo,

Tinatali ako ng sinturon sa piano!

At least hindi sa poste katabi ng aso!

Kaya siguro sa music ako’y natuto!

Pero kadalasan ay nagtatagal ako

Pag sinusulatan ko ng ballpen tiklado!

Eh kasi minamarkahan ko mga tono

Para ang mga nota ay matandaan ko!

‘Di ko naman alam mahirap burahin ‘to!

Kaya kahit no earthquake ilalim ng piano!

Sandali bago pa maging musical tayo,

Ang inaalala ko’y Pasko with my Lolo

But wait, wala namang maalalang regalo

Na tinanggap ako mula kay Lolo Mundo!

Kundi yung sa t’wing siya ay mananabako,

May parang singsing na seal ang bawat tabako

At binibigay nya lagi’t sinusuot ko,

Tuwang-tuwa naman ako na parang loko!

Hmmm … oo nga ‘no pero ang isang kunswelo —

Kahit minsan hindi napagalitan ako

Ni Lolo Mundo pag ako ay nabubuko

Na dumudukot sa wallet nya ng sensilyo!

I remember parang walang paki lang ito

Sa tuwing Pasko kahit kayo’y magkagulo!

Basta tuwing hapon nakatayo sa kanto

At buga lang nang buga ng kanyang tabako!

Sa bahay suot kanyang puting kalsonsilyo,

Sa isantabi la’t nagbabasa ng dyaryo,

Noche Buena’t Media Noche nama’y kasalo,

Tahimik lang hanggang sa mawala na ito!

Ngayong wala na sa mundo si Lolo Mundo,

Ito lang ang nakuha kong aral siguro —

Dahil wala nang baryang pambili ng gusto,

Wala nang madukot … natutong magtrabaho!

At dahil sa pagiging masipag ng tao,

Ubra na nyang gawing araw-araw na Pasko!

At ngayon nga’y ‘di na kailangan ng lolo

Sapagkat ang lolo ngayon ako na mismo!

vuukle comment

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with