The Babe’s first bed was in the arms of the Blessed Mother Mary. Then He was placed on a manger. Joseph este, Joey, that’s me, was taking these pictures!
‘I’m not here… I’m still here!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - November 10, 2019 - 12:00am

Yom Kippur pa rin nang sumunod na umaga,

Lahat ng mga Hudyo ay nagpapahinga,

Dalawampu’t limang oras itatagal n’ya

At walang sasakyan sa lahat ng kalsada!

At mula sa hotel namin Dan Panorama,

Palakad lahat at talagang penitensya!

Dun pa lang umpisa na Via Dolorosa!

At mga istasyon na nga’y inisa-isa!

Pagdating namin sa bahay ni Veronica,

Ito ang Sixth Station sa Via Dolorosa,

Nahulog ang cellphone ng isa sa kasama,

“That is the first fall!” ang sigaw ng isa!

Ngek! Mabuti nga’t dahil d’yan may nangiti pa

At the Basilica of the Nativity in Bethlehem My daughter Jocas and the spot where Baby Jesus was born.

Pagkat ang init hindi na nakakatawa!

Waring pati temperatura ay parusa!

Kabog ng puso ko ay nakakabingi na!

Well, katulad pa rin ng dati ang problema

Pag nagkokodakan sa mga Holy sites na,

‘Yun bang alangan ka kung ano talaga

Ikaw ba’y malungkot, ngingiti o masaya?!

Tapos na Yom Kippur next day, back to normal na!

May mga sasakyan na’t lahat ay masaya!

May bus na kami’t wala nang maglalakad pa!

Our bus driver Zaki na-miss namin talaga!

Paglakad sa ilalim ng init ay wala na!

And food na ay mainit kasi s’yanga pala,

Pag Yom Kippur pati apoy nagpapahinga!

Pagbabawal pagluluto d’yan di’y kasama!

So from Jerusalem sa Bethlehem papunta,

Our tour guide Bill nagsimulang magbilang na,

“Everybody’s here!” paalis na kami sana

Nang may sumigaw pa, “I’m not here!” ang sabi n’ya!

‘Yan si Jorge ang isa sa pinakabata,

Siguro tanong n’yo ano ba ginagawa

Sa pilgrimage ng isang katulad n’yang bata?

Sabi n’ya nga, “I’m not here!” Eh di nawawala!

Pagsapit Nativity Church kami’y nagmisa,

‘Tapos sa birthplace ni Baby Jesus papunta

And to sing “Happy Birthday” na “Silent Night” sana

I mean, “silent” lang “Happy Birthday” pag kinanta!

Pero nagulat kami sa Hava Naguila

Este, haba ng pila ‘di na ‘ko sumama!

‘Sabagay noon naman akin nang nakita,

Kunwari na lang hindi ako nakumbida!

Op kors sa Holy Land nagkalat nagtitinda

At maraming makulit pero tatawad ka!

Noong October 10 at kami’y pauwi na,

May pumanhik sa bus namin… eto istorya —

“Five for Ten Dollars!” sa tinitindang pitaka,

Walang pumapansin pagkat kami’y pagod na,

“Six for Ten Dollars!” mas malakas na boses n’ya,

No pansin pa ri’t natutulog na ‘yung iba!

Maya-maya’y bumaba na ‘yung nagtitinda

Ngunit sinisigaw “Seven for Ten Dollars!” na!

Matagal din sa kanya kami’y napahinga

Nang biglang, “I’m still here!” Lahat kami’y natawa!

Kyline’s Paalam Na

Kyline Alcantara (photo) is giving her fans — also known as the “sunflowers” — a musical treat.
After the success of her self-titled album last year, Kyline returns to singing with her revival single under GMA Music titled Paalam Na.
Paalam Na is composed by Mikee Misalucha, whom the young actress have worked with before for her first-ever single, Fake Love. Paalam Na is now available across digital streaming platforms worldwide.

I’M NOT HERE
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with