Dead Sea-renas? Ngek! Parang hindi maganda tunog! Salty sirens kaya for Dabarkads Luane Dy and Pia Guanio? How about Luan-Pia hubad? Ngek ulit! Sasama ako kung sa Waikiki pero sa Holy Land ito kaya pass muna!
‘Teleportation or tele-airportation?’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - October 20, 2019 - 12:00am

Dahil laging iniisip ang pagkukunan

Ng paksa’t isusulat linggo-linggo na lang,

Ako Ang Poet N’yo ay hindi maiwasan

Na pasukan ng kung ano-ano isipan!

 

May bago at luma, ngayon at nakaraan,

Pagbabagong nangyayari alam n’yo naman!

Mga pampaligaya’t kinatatakutan

Sa mundo’t sarili mamimili ka na lang!

 

Katulad nung nangyari nung August Thirty-One,

Muli ay naka-sinturong pangkaligtasan

Dahil sa Macao ako’y pumunta na naman!

Naturalmente daan uling immigration!

 

Sa tuwing magba-viaje ay palaging ganyan,

Napakaraming bagay na pagdaraanan

Kaya sa isip ko’y nakipagkatuwaan

Na kung sakaling totoo teleportation!

 

Wow! Yun bang parang Star Trek ang dramatization!

Time travel hanggang ngayo’y isang science fiction!

At yan ang nilalaman ng aking isipan

Habang papuntang Eat Bulaga one afternoon!

 

Kung bagay na ito ay may katotohanan

At nanaisin mong sa parehong panahon

Ay ikaw sa ibang lugar ay paparoon,

Saan o ano ang una n’yong pupuntahan?

 

Nung una kong naisip ganitong sitwasyon,

Nagkataon namang ako’y ginugutom!

Kaya sa Las Vegas agad sa may Venetian

Pinakamasarap na fried rice ang nanduon!

 

‘Di ko na maalala ang kanyang pangalan

Basta sa ground floor at isang Chinese restaurant

Kaya ang ginawa ko ay nag-google na lang,

Nanlumo ako’t mukhang ito na’y sinarhan!

 

Nang biglang maudlot sa munting “kabaliwan”

Pagkat dumating na ang aking sinasakyan

Sa may APT Studios, Cainta kung saan

Bulaga araw-araw pinagdarausan!

 

Pagpasok ng studio ang una kong dinatnan

Ay mga babaeng hosts na mine-make-up-an

At dahil may amats pa ng teleportation,

Girls ang napagbuntuna’t napagdiskitahan!

 

Nabigla rin sila sa aking katanungan,

Si Pia nagbigay ng unang kasagutan —

Nais nya’y sa Hawaii syempre magliliguan …

At mga babae lahat na’y nagsunuran!

 

Ang gagawin nila agad nailarawan —

Op kors naka-bikini sa Waikiki Beach ‘yan!

Nawala na gutom ko kahit tanghalian

At nasabi ko, “sasama na lang ako d’yan!”

 

He, he, he … wala lang, mahirap nang maiwan!

‘Tsaka ‘yang sinangag sa ibang araw na lang!

Paborito namin pareho ni Tito yan

Pero swimming mas importante sa katawan!

 

Bomalabs naman talaga teleportation!

May time difference lang ngunit mapupuntahan!

Sobrang talino na ‘yan at pakikialam

Kaya tele-airportation magtyaga na lang!

TELEPORTATION
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with