^

Entertainment

‘A fan-ny story’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
âA fan-ny storyâ
Eto yung mga panahon na nag-uumpisa kami as ‘Tito, Vic & Joey’ sa Discorama and Student Canteen (mid-Seventies). Tough Hits era ito — Maraming punchline, mahaba rin fansline! Mahaba rin ang buhok at balbas!

T’wing may magpapa-picture at ang banat nila,

“Fans mo na kami mula nung kami’y bata pa!”

Hindi mo malaman kung matutuwa ka ba

O matatawa at ikaw ay “hukluban” na!

 

Sa totoo ay mangingiti lang kumbaga

At kung minsan pa nga ay may pagbibiro pa,

“Darling, minsan gagalang ka sa matanda ha!”

Magkakatawanan kami pag nakuha n’ya!

 

Nung nag-uumpisa kami sa industriya

At makilala na bilang mga artista,

Sa bawat ba bati ng makakakilala,

Kulang la’y lapitan ‘yung tao’t mangumusta!

 

Nag-uumapaw ba ang iyong tuwa’t saya

Gayong ang uso pa nu’y ang pagpapapirma!

Hindi pa lahat ng tao ay may kamera

At nagsasabit pa noon ng sampaguita!

 

At kung tagahanga naman ay may kamera,

At karamihan sa mga ‘yun ay maykaya,

Buong pusong pagbibigyan kahit ilan pa!

Malamang may yakap at halik pang kasama!

 

Ngunit paglakad ng panaho’y nag-iiba,

Eto ‘yung “nagkakasumpong” na ‘yung artista!

Yun nama’y likas, tanggap, pinagpapasensya

At kung minsan ang maging suplado’t suplada!

 

May mga paraan naman kung may “sumpong” ka —

Artista ka naman kaya mag-inarte ka!

Kunwa’y nahihilo pagdaan sa kanila!

Paalalay sa alalay mo kanino pa?!

 

Kaming tatlo nga noon may naisip pa nga

Kapag daraan sa maraming tagahanga —

Magsuot ng arm sling o “salumbaba” yata!

Eh di mga magpapa-autograph na’y wala!

 

Kung minsan naman ay “tinotoyo” bang bigla!

Pag may nagpakodak o nagpapirma kaya

At lumapit lalo’t yung medyo nahihiya,

“Aba naghihintay ako kanina pa nga!”

 

Ngek! Aba’t pagalit pa’t tila nagbabanta!

Ganyan mga artista … umaarte pa nga!

Kaya kailangan kaunting pang-unawa!

Minsan din kasi may “baliw” na tagahanga!

 

Kahit sa kodakan pinagbigyan mo na nga,

Ang nais pa yata’y may kaway at salita!

At kung minsan pa nga’y may bastos ang bunganga,

Sa likod mo’y may sasabihin pang mapakla!

 

Kesyo ang suplado mo o kaya’y mataba!

Kaya nung minsang sa aki’y may nagsalita,

“Ay, sa personal ka pala ang taba-taba!”

“Marami kaming pagkain!” ang patol ko nga!

 

He, he, he … subalit tagahanga kung wala

Ay wala rin daw artista kawikaan nga,

Pero ngayo’y malapit na ‘kong maniwala —

Mas maraming artista kaysa tagahanga!

 

Pagkat “artista” raw ngayon sampu-sampera!

At palabas nila ay nasa social media!

Darating panahon sa aking sapantaha

Na tayo nang lahat suplado at suplada!

 

Facebook, IG, Twitter o kahit saan ka pa,

Lahat ngayon ubrang maging celebrity na!

Pa’no lahat may followers kahit iisa!

Fans din ‘yun at pwede pang sa iyong magmura!

JOEY

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with