Ang Poet N’yo and wife Eileen and birthday girl Jocas Eightria with chef Julien Royer of three-Michelin-starred Odette, voted No. 1 restaurant in Asia
‘Lipad, dine na, lipad!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - September 22, 2019 - 12:00am

Halo-halong dahilan why we are traveling —

Op kors una na d’yan ang bakasyon at shopping!

Syempre ibang lugar nang makita’t marating

At ilang mahal sa buhay du’y kumustahin!

 

May isa pang dahilan sa aming gawain —

Yung kami’y magpalabas sa ibang lupain

Para sa nandung mga kababayan natin!

Isingit na shopping, eating at pagba-bonding!

 

But there are some trips na meron talagang main thing,

Madalas pa nga ‘tapos nun uwi agad din!

Pagkat yun lang tanging panahon na gagawin

At wala nang iba’t ‘di ubrang palampasin!

 

Eto yung kung ipagpapaliban ay dehins

Tulad nung sa London ay may papanoorin,

Alangan namang yung kakanta’y paghintayin

Eh Barbra Streisand lang naman yun mga darling!

 

Pero minsan meron ding mga disappointing!

Yun bang yung magpe-perform ay hindi dumating!

Ngek! Mahal na tiket at Japan pa gagawin!

Wala namang magawa kundi ang hintayin!

 

Makalipas ilang buwan ay natuloy rin!

Doon pa rin sa Japan ay muling nag-landing!

Si Paul McCartney kasi ang papanoorin

Kaya kahit ano’ng mangyari ay titiisin!

 

Okey lang yung iba kahit pa kanselahin

Pagkat Hong Kong at Macau lang ang liliparin

Kaya Rolling Stones, Beach Boys at Eagles win na win!

Naturalmente nag-fiesta rin sa slot machines!

With Lisa Revilla, the Pinay executive chef of The Dempsey Cookhouse and Bar

Ngunit kakaiba nitong September Sixteen,

Birthday ni Jocas na anak namin ni Eileen,

Flew to Singapore — gift na hiningi sa amin

Dahil may two restaurants na bibisitahin!

 

Ngek! Yun lang talaga’t we’re back September Eighteen!

Sa dalawang lugar kami lang ay kumain!

ODETTE at THE DEMPSEY kung inyong tatanungin

At talaga namang plato ay sisimutin!

 

May karapatan naman pala na dayuhin

At ako in truth ay LAMON ang style ng eating!

Hindi ko type yang mga fine dining-fine dining!

Pero nangyari: Boodle fight sa may Michelin!

 

At mula d’yan ay nagbago aking paningin,

Totoo nga palang sa pagkain may sining!

May palabas kumbaga ang sa bawat dating!

Sa bawat tikim may natutuklasang lihim!

 

Kung medyo “malalim” ay ipagpaumanhin,

Napakasarap lang talaga ang nakain!

Bayaan n’yo namang kayo ay pag-isipin

At limiin kung ako’y isang sinungaling!

ODETTE THE DEMPSEY
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with