^

Entertainment

‘Tulog-Vision Pa More!’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Tulog-Vision Pa More!�
ASPHALT STUDIO — O hindi ba parang ‘tulog-vision’ pa rin ito? Ang buong Dabarkads lumabas sa bagong APT Studios at nag-40th Anniversary show sa barangay! Akalaing pumapasok na kami sa unang taon ng aming pang-LIMANG DEKADA ngek! Bakit ba ‘yang ‘DECADE’ sounds like DECAYED? Ngek pa more!

May napatunayan ako isang umaga

Na kapag tayo ay nananaginip pala,

Sa “tulogbisyon” na atin bang nakikita

Nakiki-eksena ang GISING nating tenga!

 

At upang higit na maipaliwanag pa —

Sa aking panaginip ay nagbububusa;

Walang tigil ang bibig ng aking asawa!

Ngunit waring balita ang sinasabi n’ya!

 

Nang sa puntong ito’y tuluyang nagising na,

Napansin kong bukas ang television pala

At kasalukuyang balita ang programa!

Akala ko ‘yung boses sa aking asawa!

 

Palaging gising ang ating pandinig pala

Kaya nga sa alarm clock s’ya ang nauuna!

Kaya rin sa dreams ‘di n’ya napupuna —

Kung minsa’y nadaramay sya’t napapasama!

 

Napakahirap na unawain talaga

Ang panaginip sa totoo’y ano ka ba?

Mahirap ispelengin sabi nga sa kanta!

Kahit nga yata pagtanda ‘di makukuha!

 

Subalit meron pa akong isang teyorya

Kung bakit minsan napakagulo n’ya talaga —

Dahil ito ay namamasyal at sumasama;

Nakikihalo sa bungang-isip na iba!

 

Ano ba ang malay n’yo at mahiwaga nga?

DREAMATOLOGISTS hindi magkandaugaga!

Paano naman kasi sagot mapapala

Kung tayo’y tutulog-tulog at nakahiga?!

 

He, he, he … kaya nga naging laro na lang s’ya,

Ang mga “interpretations” ay kanya-kanya!

Pwedeng pag “pangit” may mangyayaring maganda,

BALIKTAD daw ang dreams paniwala ng iba!

 

Ngunit ang panaginip ba’y maigigiya?

Magagawa bang palagi na lang maganda?

Kung ano at sino lang ang nais makita?

Pero s’ya lang matatamo nang PIKIT-MATA!

 

Pangarap na panaginip ay iba-iba,

‘Wag managinip ng pera … MAGTRABAHO KA!

Palagay ko dulot nitong isang maganda —

Panaginip lang ang bulag nakakakita!

 

Panaginip din lang ang ating pinapaksa,

Sa isang panayam sa Kwentong Eat Bulaga,

Masasabi ko raw at FORTY YEARS na nga,

Ano dahilan ng pagtatagal nya’t haba?

 

Ang sagot ko ay isang paghahalimbawa —

Waring kay gandang panaginip ng Bulaga

Subalit kami ay gising at manghang-mangha

Dahil tuloy pa ri’t ‘di kami nakahiga!

 

Isang panaginip hinahalintulad nga

Dahilang hindi nga kapani-paniwala!

ARAW-ARAW sa APATNAPUNG TAONG haba!

Dahil sa sarap ‘di na namin nahalata!

vuukle comment

40TH ANNIVERSARY

EAT BULAGA

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with