^

Entertainment

‘Tulog-Vision’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Tulog-Vision�
‘Sa panaginip mo lang makikita ang hindi makita pag gising tulad ng Longganisang Maong at Dagang Denims!’ — Joey de Leon

Nabanggit na sa isa sa sinulat kong kanta

Ang kahiwagaan ng panaginip kumbaga,

At noong Seventies sa Metropop nilahok s’ya

At kauna-unahang RAP Award nakuha pa!

 

Totoo namang panaginip lang makikita

Hindi makita pag gising at dilat ang mata!

At kahit na nga sinong mga seksi’t maganda,

Sa panaginip possible mong maroromansa!

 

Mahalaga rin na banggitin ko muli rito

Na awitin sa Metropop na ipinanalo

Ay “Longganisang Maong, Dagang Denims” titulo

At ang buong kanta ay NAPANAGINIPAN ko!

 

No balls! I mean walang bola! Ito ay totoo!

Kasabihan nga — And the rest is… alam na ninyo!

Basta parang naging anting-anting ko na ito!

Lucky song?  Pwede… Anthem — anthem ng Ang Poet N’yo!

 

Hindi na nawala MAONG at DENIMS sa uso!

Nagkaroon na ng Iskul Bukol at Wanbol U!

And like Longganisa ay naging LONG ANG ISANG SHOW!

Nabuo DA GANG… Dabarkads tawag namin dito!

 

Akalaing kanta na panaginip ang topic

Na habang nahihimbing sa isip ko’y gumimik!

Mitsa nga kaya ng pinapangarap naming EAT?

Mabuti’t ‘di ako tutulog-tulog sa idlip!

 

Sasabihin ng iba nagkataon lang ito

At naisipan ko lang purihin sarili ko;

‘Yun bang tila sinosolo ko lang ang kredito

Hmmm… kaya narito pagpapatuloy ng kwento!

 

Para mailarawan na lahat konektado —

Nakikitulog ako noon sa isang kwarto

Nang panaginip nagkonsyerto sa aking ulo!

Ang silid ay nasa tahanan ng mga SOTTO!

 

Well, marahil ang pinakasalamin na rito

Sa mga pangyayari sa buhay naming tatlo —

Ang APAT NA DEKADA… at ARAW-ARAW ‘to ‘no!

Waring sa isang panaginip lang ba totoo!

 

Pagpalagay na lang ‘di pa kami nagigising

Sandali la’t palalim na tayo nang palalim!

Sana lang ay lumalim pa ang sarap ng himbing

Hanggang panaginip maipaliwanag natin!

 

Sa panaginip meron akong isang teyorya —

Kung bakit minsan napakagulo n’ya talaga!

Dahil ito ay namamasyal at sumasama;

Nakikihalubilo TULOG-VISION na iba!

 

O ayan ha, may bagong salita na akong gift

Para sa darating na anniversary ng EAT!

Malay n’yo someday sa dictionary maisingit —

TULOG-VISION o TULOGBISYON ang PANAGINIP!

 

At hindi kayo nananaginip s’yanga pala

Kapag ang bagong istudyo namin ay nakita —

Ang APT Studios ay talagang kitang-kita!

Kung hindi ba naman kulay nito’y PULANG-PULA!

 

Bakit daw kulay ng gusali namin ay pula?

Sapagkat ang iba pang salitang makukuha

Sa “PULA” ay ULAP at LUPA o hindi nga ba?

Kumpleto na s’yang may LANGIT at LUPA kumbaga!

 

O eh ano ngayon sa palabas namin halaga?

Ang paliwanag ba ay kinakailangan pa?

Ang layunin lang namin ay magkasama-sama

Mga nasa itaas at ang mababang masa!

 

Sa Martes, July 30, kumpleto na talaga

Ang Eat Bulaga sa kanyang APAT NA DEKADA!

Ano sa tingin n’yo dapat bang magretiro na?

Eh wala ngang DAY OFF sa retirement ang problema!

vuukle comment

TULOG-VISION

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with