Ang Poet N’yo with Jiro Ono’s son Takashi at the Sukiyabashi Jiro Roppongi Hills. Basta the word ‘sushi’ para sa akin comes from SUBO SABAY HIMOD!
‘It’s Not Fun After Eating In The Philippines?’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - July 21, 2019 - 12:00am

Ops sandali ako muna ay magwa-warning —

No reaction first sa title ng babasahin!

‘Wag muna kayong magpauna’t magmagaling,

Sinulat na ito importanteng tapusin!

 

Naisip ko lang na bago tayo sakupin

Ng mga Hapon tayo’y nagsu-sushi na rin!

Sa pagkakamay natin simula’t nanggaling

So let me explain kung inyong mamarapatin!

 

Pag limang daliri natin na ay nag-bonding

At magpabilog na ng malagkit na kanin

Kasama kung ano man inuulam natin

At sabay subo o hindi ba sushi na rin?!

 

Sandali at masusi nating siyasatin,

May hinala akong ang “sushi” ay nanggaling

Sa tatlong salita na our real way of eating —

SU-S-HI … SUBO SABAY HIMOD fingers natin!

 

Sa dami na ng lahing dumayo sa atin

Ay marami na rin tayong ubrang angkinin

Pagkat marami rito’y minana na natin —

Mabuti ma’t masama we embrace everything!

 

Kaya una pa nga tayo kung tutuusin

Pagkat nun pa man ganyan na paraan natin —

Sa isang subong kinamay pagsasamahin

Isda man o gulay o asin lang sa kanin!

 

At ‘yan naman talaga gawi sa pagkain,

Matalinong Hapon ‘di natin akalain,

Binigyan ng pangalan at pinalabas din

Na “makabagong imbensyon” ang sushi man din!

 

Ayun at sumikat sa kanila taginting!

Paghahanda pa nito’y nilagyan ng sining!

Kumbaga isusubo mo ay ihahain!

One piece, one mouthful at hindi pwedeng hatiin!

 

Ngayon pa ba mga ninuno sisisihin?

At sa negosyo ba hindi tayo magaling?

Well, huli na ang lahat at saka how true rin

Na ang alam lang daw kasi natin … KUMAIN!

 

Buti’t nasali pa sa negosyong rice topping

Na waring sa KAMAMESHI rin daw nanggaling …

Na kuha na naman sa pagkakamay natin?

O ‘di ba pag nag-KAMAY MESSY sa paningin?!

 

Ngek! ‘Yung isang yun inyo na lang palusutin

But I think lahat ito galing Chinese cuisine!

Intsik naman talaga ang unang nagtanim

Ng bigas at d’yan nga nanggaling ang TSINA-ing!

 

Ngek na naman! At syempre kamay dadamputin,

Kung nais mag-chopsticks nasa sa iyo na rin!

Sa panulak meron lang dapat na inumin —

Sake, tsaa at tubig lang! Bawal ang softdrink!

 

Ako naman sa sushi ay may peborit din —

Type ko’y Japanese-Peruvian o NIKKEI cuisine!

Basta nigiri sushi o yung naka-topping

At halos hindi mo na makita ‘yung kanin!

 

Parehong may itlog ang gusto kong kainin —

FOIE GRAS with TOBIKO or flying fish roe darling!

At WAGYU at gusto ko medyo susunugin!

‘WAG YOU kalimutan ang quail’s egg na ka-tandem!

 

Kaya pauso tayo’t simulan na natin,

Kanila na sushi basta KAMAY sa atin!

Basta lahat ng isubo ay kakamayin

At lahat manggagaling sa dahon ng saging!

 

‘Di tayo maghuhugas ng kamay sa ending!

At sa buong daigdig ating pakalatin

Ang pausong ya’t tiyak nilang sasabihin —

IT’S FUN EATING BUT DON’T SHAKE HANDS IN THE PHILIPPINES!

JIRO ONO TAKASHI ONO
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with