^

Entertainment

‘M*A*S*H’ (Mga Asar Sa History)

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�M*A*S*H� (Mga Asar Sa History)
Ang Poet N’yo and Eileen in 1992, twenty years after a mentally disturbed geologist vandalized and damaged The Pieta with a hammer. By now it is protected by a bulletproof acrylic glass panel.

Last Father’s Day tumanggap ako ng regalo —

Isang libro mula sa bunso kong si Jio —

Tungkol sa “BAD DAYS” sa kasaysayan ng tao!

Binabasa ko pa at nag-e-enjoy ako!

 

At dahil dito naaalala ba ninyo

Kasabihang “may pakpak ang balita” kuno?

Swak! May PALPAK ang balita at ‘yun ang libro!

In English, may FAKE-FAKE pero ito’y totoo!

 

Kaya ilan dito ay ibabahagi ko,

Sa dami nito siguradong merong Part Two!

Pipiliin ko syempre ‘yung natawa ako!

Itutula pa ang pwede namang ikwento!

 

Vatican, May 21, Nineteen Seventy-Two,

Ang “PIETA” na nililok ni Michelangelo

May isang sira ulong nagngangalang Laszlo

Ang rebulto ay biglang pinagmamartilyo!

 

Habang binabasag n’ya naturang rebulto

Ay humihiyaw pang s’ya raw si Hesukristro!

Tanging obra ni Michelangelo’ng pirmado,

Maraming pingas at basag kanyang tinamo!

 

Subalit hindi raw ito ang unang kaso

Na may asar sa gawa ni Michelangelo,

May pangyayari na rin five centuries ago!

Assistant pa ng Papa ang kanyang kritiko!

 

Biagio da Cesena ang pangalan nito,

Sa trabaho ng pintor nandidiri ito!

Ang The Last Judgment by Michelangelo kuno

Ay marami ang nakahubo’t hubad dito!

 

Sa likod ng altar ng Sistine Chapel ito,

Sa galit sa kritiko ni Michelangelo,

Ginaya at ipininta mukha ni Biagio

Na hukom o judge sa underworld o impyerno!

 

Nilagyan pa ito ng tenga ng buriko!

Kagat-kagat pa ng ahas ang ari nito!

Kaya lalong nag-init itong si Biagio!

Pakiusap sa Papa tanggalin sa fresco!

 

Kay Pope Paul The Third ito’y naghuramentado!

Ang mahinahong sagot lang ni Papa Pablo,

“Kapangyarihan ko lang hanggang Batikano

At wala akong hurisdiksyon sa impyerno!”

vuukle comment

FATHER’S DAY

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with