^

Entertainment

‘Funny-tikan’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Funny-tikan�
Congrats Pareng Kawhi Leonard and the Toronto Raptors for getting into this year's NBA Finals! Hindi na kita kakamayan at baka mapilayan pa ako! Kaya ako ngiting-ngiti sa picture dahil napansin kong nakangiti si Kawhi eh bihira ito!

Naguguluhan lang ako at natatawa

Sa mga salitang HINGA at NAGPAHINGA

Sapagkat pag patuloy ka nang nagpahinga,

Alam mo namang WALA ka nang hininga!

 

Ngek! HINGA at PAHINGA bakit nga ganyan ba?

Iba na nang dagdagan ng dalawang letra!

Iba na naman kahulugan kahit isa ­—

HINGAL nga’y napakabilis na paghinga!

 

At eto na pinakamatindi talaga —

Kapag isa pang letra dinagdag sa kanya,

Ito ‘yung bago na tuluyang magpahinga —

HINGALO! Ngek! O hindi ba nakakatawa?!

 

Hay naku napagdiskitahan ko lang ito

Dahil sa nabasa sa dyaryo noong Linggo —

Sa mahirap humingang Mount Everest kuno

Ay nagkaka-TRAFFIC na sa dami ng tao!

 

Ngek! Akalain bang aabot sa ganito?!

From BUCKET to BAKIT List na bundok na ito!

The World’s highest peak at bakit sa palagay n’yo?

Eh di magse-SELFIE pagdating tuktok nito!

 

Kaya ‘wag nang mag-init ang ulo masyado

Kapag sa may EDSA ay natratrapik kayo

Relax … at kung gustong lumamig ang ulo n’yo,

Dun kayo sa Everest at maraming yelo!

 

Iba pang salitang kamag-anak ng HINGA —

Hanging palabas ng ilong ang buga — SINGA!

Naturalmente meron din yang kapareha —

Pabalik, paloob … eh di SINGHOT ano pa?!

 

SINGHAL nama’y pagalit na buntong-hininga!

HAYYY naku… yan yun kaya lang parang mali s’ya

Dahil hindi ba dapat malalim ang kuha?

Eh di hindi “hayyy” kundi “LOOO” ngek! SIGH naku ha!

 

Ngunit may mga salita tayo talaga

Na ang gulo tulad TULOY… continue ‘di ba?

Eh bakit pag NATULUYAN eh tapos ka na!?

Ngek! Kaya sa college natuluyan tuloy s’ya!

 

Hala, kaya siguro ang Korte Suprema

Panitikan sa kolehiyo tinanggal na!

Not required in college and with finality pa!

At sa totoo lang ay FUNNY-TIKAN daw s’ya!

 

And speaking of “finality”… NBA Finals na!

And speaking pa more tungkol naman nakatawa,

Si Kawhi Leonard na bihirang tumawa

Nag-SMILE sa litrato nung ako’y makasama!

vuukle comment

FUNNY-TIKAN

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with