Korek, lumipad papuntang Macau upang makatawid sa isang tulay papuntang Hong Kong at tumawid ulit pabalik ng Macau matapos mananghalian! Hayyy buhay, sige tulay lang este, tuloy lang!
‘Manila to Macau… Airbus, Macau to Hong Kong… By Bus!’
ME, STARZAN - Joey de Leon (The Philippine Star) - May 26, 2019 - 12:00am

Noong Sabado bago Linggo ng Palaspas,

Nagsimba na kami sa Anticipated Mass,

Pagbukas ng misa palaspas pinataas

At sa mga ito binigay na ang basbas!

 

Apat kami at tatlo lang ang pababasbas

At ako lamang ang walang dalang palaspas,

Sa talsik ng bendita ‘di naman iiwas

Kaya DALAWANG PALAD ko aking tinaas!

 

Hindi ko nga alam kung bakit ko nagawa,

Parehong hinarap ko sa kanan at kaliwa!

Mga lay ministers palagay ko’y nagitla

Eh hindi naman ako ubrang magsalita!

 

At ipaliwanag na PALAD ko ay PALM nga!

Sa ginawa ‘di naman ako nabahala!

Mga palad o palm ko rin nama’y nabasa!

Kung minsan kasi ako ay pabigla-bigla!

 

Sa naaalala nakatatlong beses na

Nagsimba nang Palm Sunday sa lupaing iba —

New York, Las Vegas, Positano sa Italya

Pero gratis lang ang palaspas sa kanila!

 

Korek, libre lang at hindi ibinebenta!

Walang burloloy at palapa lang talaga!

Kaya naisip ko bakit sa atin iba?

Sa may alam pakipaliwanag HO SANA!

 

At nais ko ho sanang ikwento sa inyo

Na nag-Palm Sunday sa ibang place uli ako

But not counted kasi nga walang simba ito,

Anticipated Mass nga kasi nang Sabado!

 

At sa may Venetian Macau kami nagpunta

Kasi may gusto akong gawing matagal na —

To cross Zhuhai Sea Bridge to Hongkong and vice versa

At sa Venetian eksakto ang sakayan n’ya!

 

Kaya maipagmamalaki ko nang na-cross

Ang Atlantic via Concorde nang tatlong oras!

And that same ocean in six days nang ako’y mag-cruise!

And now the Pearl River in China… sinakyan… BUS!

 

The longest sea bridge in the world ang tinawid ko!

Akalain n’yo mga TATLUMPUNG MINUTO!

TATLUMPU’T APAT NA MILYA ang haba nito!

Ang maganda pa nito ay wala kang hilo!

 

But wait… there’s MORE IMMIGRATION dadaan kayo!

Kaya baka abutin din nang THREE HOURS trip n’yo!

Ngek! At may undersea tunnel… limang minuto!

O ano, magpe-ferry na lang? It’s up to you!

 

Naturalmente labas-pasok kasi kayo!

At sa laki ng immigration nilang bago

Eh para na rin ba kayong nag-ehersisyo!

EXERCISE and EXPERIENCE kaya ginawa ‘to!

HONG KONG MACAU
Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with