‘Ghostrophobia?’
Continuation ‘to ng sinulat three weeks ago —
‘Yung artikulo ko bang “Lisieux, Chateau, Awooo!”
Nung natulog nga pala kami dun sa chateau,
BUKAS ANG MGA ILAW AT TV PAREHO!
Bahala kayo pero hindi ako WAG-DU!
Ako’y isa lang ayaw magulat na tao!
You ask kung naniniwala ako sa multo?
OP KORS NOT! Ginagalang ko lang mga ito!
Ngek! Este ang ibig ko bang sabihin dito
Ano ba kasalanan at magagawa ko?
Compared to my imagination I’m just KUTO!
Eh sa may sariling isip ang isip ko ‘no!
Nalaman n’yo na rin ayon sa aking kwento
Na dun sa chateau… KAMI LANG PALA ANG TAO!
And when I learned… the truth? Sa akin NO EPEKTO!
Nothing talaga! Eh kasi UMAGA na ‘no!
Bakit ba liwanag kakampi ng nerbyoso?
Pati nga NOISE pandepensa sa “multo” kuno!
Kaya pag guni-guni na-trigger sa tao,
Lahat ng ilaw pati TV nakatodo!
‘Yung mga nakasabit na paintings sa chateau,
feeling mo ba’y nakikipagtitigan sa ‘yo!
Nung lumang panahon at wala pang litrato,
To have their portraits many times silang pupwesto!
Mga Royal blood malalaki pa ang gusto!
Walang medio cuerpo kung mapapansin ninyo
Pa’no kasi naka-trono’t naka-kabayo!
Gandahan mo’t kung hindi ay… putol ang ulo!
Sa agahan wala pang coffee maker dito,
Pati bread toaster kaya napa-isip ako —
Nung wala pang kuryente ano na ang luho?
Paano kaya nun mag-breakfast mga ito?
Breakfast in bed sa pagkakaalam ko
Mga “dugong bughaw” at mayayamang tao
Kaya sa malamang o makasisiguro —
Walang surot sa kama’t NILALANGGAM ito!
Marahil may DAGA kanilang mga kwarto!
‘Di malayo ring AMOY ULAM pagpasok mo!
Ang kakapal ng suot… patong-patong pa ‘to!
Kaya tsismis how true? Many of them have B.O.!
At dahil grabe ang malalaking buhok nito
At hindi pa deodorant naiimbento,
At para magbihis pa’y ubos ang oras mo,
Naliligo na lamang sila sa pabango!
Ngek! Well, I’m not sure kung sila nga’y magmumulto
At nagpaparamdam sa mga lumang chateau,
Siguro kung meron man ay malalaman mo
Kapag merong MABAHONG MAAAMOY kayo!
- Latest
- Trending