^

Entertainment

‘Sex On A PLATITO?’

ME, STARZAN - Joey de Leon - The Philippine Star
�Sex On A PLATITO?�
Not one but two! Double celebration nung March 1 — First wedding anniversary namin ni Eileen and National Artist Ang Kiukok’s birthday! 88 na sana si Pareng Kiuks! Aba, twin numbers din!

Maluwag kong sasabihing mapalad ako

Na nabubuhay ngayon sa panahong ito

Dahil sa mga pangyayari’t mga isyu —

“Interesting times” ba kumbaga sa totoo!

 

Huwag na ‘yung naididikta na ng tao

Kung ilan ang supling na gusto at kung ano!

Ubra pang sa ibang t’yan mabuo anak mo!

PEANUTS na paggawa ng tao… sa PLATITO!

 

Ngek! Imagine, sex on a platter sa totoo!

And “peanut” huwag lang masyadong malisyoso,

Kung susurii’y pinagsamang alam na n’yo!

PLATITO, VIC and JOEY kaya kaming tatlo?

 

Lalaki maging babae na’y ordinaryo,

Pagpapalit ng mukha ay hindi na uso!

Meron pa nga ngayong debate at diskurso —

PLATITO o FLAT at ‘di raw bilog ang mundo!

 

Akalaing patungan lang ng tasa ito!

Ubra ngang wala at papel la’y taga-salo!

Nililipatan ng tira mula sa plato

At kung minsan pa nga nilalagyan ng abo!

 

Hep wait, kung saan-saan na napunta tayo!

Ano bang aral ang nakuha natin dito?

Ang maliliit ‘wag n’yong inaano-ano

Tulad katunog ng platito… ang PALITO!

 

To be eksakto… ang PALITO NG POSPORO!

Na hindi lang pansindi magagamit ito

Kundi pinagtatakpan pa kahihiyan n’yo

Sa bahong iniiwan ng tao sa banyo!

 

Kahit sumindi’t nasunog na kanyang ulo

Ay marami pang mapaggagamitan ito —

Hindi lang pantinga’t panlinis ng ngipin n’yo,

Pampaantok pa pag ginamit sa tenga mo!

 

MATCH made in heaven? Kiskis nga ng Ang Poet N’yo!

He, he, he… talaga rin namang konektado

Dahil pag sinindihan n’yo cake sa birthday mo,

Your wishes will go up with the usok when you blow!

 

Balikan ko lang mga “pagsubok” ng tao

Upang magkaron ng sariling anak ito,

Mukhang ang pag-aampon ay hindi na uso,

Pulso sa ngayon bahagi na sila mismo!

 

Maraming medical tests kung nanaisin n’yo —

May tinatawag d’yang IN VIVO at IN VITRO,

Meron pa ngang EX VIVO pero hindi ito

Na ang magbubuntis ay ‘yung EX ni mister ‘no!

 

Ngek! Meron kasi katawa’y Marilyn Monroe,

Hanggang nagka-edad na ng Hawaii Five – O!

Ayaw magpabuntis hangga’t too late the hero,

Papatol kahit ano pagdating sa dulo!

 

SURROGACY ay isang paraan at plano —

Ito lang may THIRD PARTY pero walang gulo!

Wala ring pagtatalik na usapan dito

Well, watch mister baka sa surrogate umano!

 

Ano kaya ang stand dito ng Vaticano?

Pero may magandang sinabi ang misis ko —

“Mabuti na ang artificial na ganito

kaysa mag-anak at pabayaan lang ito!”

 

Magagawa pang kambal kung nanaisin n’yo,

Ngunit bihira yata may gusto ng tatlo,

Hmmm… may “dalawang” dahilan sa palagay ko —

DALAWA lang kasi kanyang mapapasuso!

vuukle comment

PLATITO

SEX

Philstar
x
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with